The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

Flag Raising Ceremony | Senior Citizen | GENERAL ASSEMBLY 4L and SOLO PARENTS | AAGAPAYAN KITA PROGRAM

December 19, 2022

News

December 19, 2022 | Nagbigay ng kanyang lingguhang ulat sa bayan ang masipag nating Punong Bayan Ate Gigi Portes sa ginanap na Flag Raising Ceremony sa Municipal Covered Court.

Kaalinsabay nito, kinilala at pinarangalan ang mga barangay na nanguna sa Search for Outstanding Barangay Gender and Development Focal System.

Pagkaraan, dumalo si Mayor Ate Gigi sa pagpupulong ng mga nakatatandang mamamayan sa Senior Citizen Building at masayang ibinalita ang mga bagong programa para sa mga ito.

Dumalo din ang masipag na Punong Bayan sa General Assembly ng Local Lady Legislators at Solo Parents sa Pagbilao East Elementary School at naging tagapagsalita si Atty. Noel Pastorfide.

Katuwang ang Team Energy Foundation, inilunsad naman ni Ate Gigi ang Aagapayan Kita Program kung saan namahagi ng mga karabaw, farm implements at planting materials na kaugnay ng layuning trabaho at pagkain para sa lahat.

#PagbilaoWINS #AlagangMayorAteGigiPortes

Tingnan ang iba pang larawan: https://bit.ly/3v8dkHO