March 22, 2021 | Regular Flag Raising
hosted by Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office
Nitong umaga ng Lunes, malugod na iprenesenta ng
MDRRMO ang kanilang mga naisagawa at naisakatupang aktibidades at gawain sa
taong 2020 gaya ng
Ayon kay Dr. Riki Tolentino, sa kasalukuyan ay
mayroong labing-apat (14) Active Cases ang bayan ng Pagbilao. Inilahad din niya
ang paraan ng pagrereport sa ospital at ang koordinasyon ng Rural Health Unit
sa Provincial Epidemiologist Surveillance Unit. Dagdag pa niya, na may 345
vials ng bakuna kontra COVID-19 ang bababa ngayong araw.
Isinaad naman ni MPDC Jan Luke Patrick Go na ang
Local Government Unit ay nasa 'phase' kung saan kailangang buuin na po ulit ang
pagpaplano ng mga opisina para sa taong 2022 upang maihanda sa mas madaling
panahon ang Annual Investment Plans.
Para kay MDRRMO Delfin Magana, ang lahat ng mga
naisakatupang programa at gawain ng kanilang Tanggapan dahil sa pagpupunyagi ng
lahat at sa magandang liderato at pamumuno ng ating Punong Bayan.
Masayang ibinalita HRMO Isabelita Lucela ang
approval ng creation ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management
Office. Kanya ring ipinabatid ang assessment na isinagawa noong Biyernes at
isasagawa sa darating na Biyernes ng Human Resource Merit Promotion and
Selection Board. Ipinaalala rin ni Ma'am Lucila ang submission ng SALN at IPCR
ng mga kawani.
Naging tampok sa mensahe ni Municipal Administrator
Engr. Ian T. Palicpic ang adbokasiya at paalala ukol sa pang-aabuso ng
Kababaihan kung saan inilahad niya ang apat ba uri nito; Pang-aabusong Pisikal,
Pang-aabusong Sikolohikal, Pang-aabusong Ekonomikal at Pang-aabusong Sekswal.
Ipinaalam din ni Admin Ian na ang mga turista ay kailangang makipag-ugnayan sa
Tourism Office sa telepono o kaya ay sa FB Page ng Papag at Bilao.
Binati ni Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic, ang
ating kababayan na si Dr Jong na nag-TOP 1 sa Physician Licensure Examination
na kanina ay nakilala niya ang mga magulang, gayundin si Sir Delfin at ang mga
KALIPI na nakiisa sa pagtatanim ng bakawan. Para sa ilang paalala at anunsyo
gaya ngEase of Doing Business - na ang DILG ay panawagan na maaaring palawigin
ng Sangguniang Bayan ang january 20 na deadline sa pamamagitan ng Ordinansang
Pambayan; GAD Planning for CY 2022; at seryosohin ang kagat ng Aso at mag-ingat
sa kagat nito; at sa mga susunod na araw ay unang matuturukan ang 181 Medical Health
Frontliner ng unang dose ng bakuna kontra CoronaVirus Disease (COVID-19).
Kayang Kaya Basta't
Sama-sama
#PagbilaoWINS #SerbisyongPalicpic
Narito ang iba pang larawan: https://cutt.ly/JxcDIRM