Isinagawa ngayong
araw ang Regular Flag Raising Ceremony sa pangunguna ng Tanggapan ng
Ingat-Yaman na ginanap sa Municipal Covered Court, April
26, 2021.
Nanumpa sa harap
ni Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic sa kanilang bagong posisyon sina Ms.
Marijean Alba bilang Administrative Assistant II at si Ms. Maria
Leonora Roperez bilang Midwife I. Samantala, sa darating na Huwebes (April
29, 2021) idadaos ang Selection Board Screening para sa mga posisyong
Administrative Aide III, Administrative Aide IV at Tax Mapping Aide.
Muling namang
pinaalala ni SFO4 Jonathan R Albos, LLB-Acting MFM na ang pagsusunog ng
mga basura at ang pagkakaingin ay mahigpit na ipinagbabawal.
Sa mensahe ng
Mayor Palicpic, ipinaabot niya ang pagbati sa dalawang kawaning napromote at
kanyang inilahad ang basehan sa pagpili nito. Binigyang pansin din niya ang mga
aktibidad na isinagawa ng nakaraang linggo tulad ng Sustainable Livelihood
Program at TUPAD Program sa tulong nina Senator Francis "Kiko"
Pangilinan at Vice Governor Sam Nantes.
Dagdag pa ng
Punong Bayan, ang pagsusumite ng Supplemental Budget No 1 para sa approval
upang mapadaloy ang mga programa sa ilalim nito. Nabanggit rin ang mga gawain
na may kaugnayan sa Local School Board gaya ng Teacher Aide, LD Mobilizers, at
ang pagtuturok ng Libreng Anti-Flu sa mga mag-aaral.
Sa kasalukuyan ay
may 45 aktibong kaso ng COVID-19 ang ating bayan at inaasahan naman na may
darating na mga bakuna kontra sa nasabing sakit dahil tayo ay YES sa ResbakUNA.
#PagbilaoWINS #SerbisyongPalicpic #DisiplinaMuna
Narito ang iba pang larawan: https://tinyurl.com/mk9rr2nk