Isinagawa ngayong araw ang Regular Flag Raising
Ceremony sa pangunguna ng Tanggapan ng Ingat-Yaman na ginanap sa Municipal
Covered Court, May 3, 2021.
Nanumpa sa harap ni Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic
para sa kanyang bagong tungkulin si Lorna Merjudio bilang Midwife II. Sa
pananalita ni HRMO Ma'am Isabelita Lucila, binigyang pansin niya ang
benepisyong Department of Labor and Employment-Employees Compensation
Commission (DOLE-ECC) at ang isinagawang Human Resource Merit Promotion
and Selection Board noong nakaraang linggo.
Binanggit naman ni Dr. Riki Tolentino, ang Covid-19
Updates sa ating bayan kung saan mayroong 39 aktibong kaso, 461 gumaling,
22 na pumanaw na at may kabuuang kaso na 522. Inilahad din niya ang Vaccination
Updates kung saan may 350 PagbilaoWINS ang nabakunahan ng Astrazeneca at 19
naman ng Sinovac kabilang na rito ang ating Punong Bayan.
Ayon naman kay Dra Mara Merluza, patuloy ang
isinagawang Operasyon Timbang o ang pagtitimbang ng mga bata na may edad
0 - 59 months old at 2.38% na lamang dito ang nabibilang sa malnutrisyon at
tuloy-tuloy ang mga programa ng Pamahalaang Lokal kaugnay ng programang ito.
Malugod naman na binalita ni Municipal Assessor
Ma'am Mary Ann Abadilla na sinimulan noong nakaraang linggo ang Installation ng
Revenue Generating System para sa Phase I ng LGU Computerization Project.
Paalala ni Municipal Administrator Engr. Ian T.
Palicpic sa pangkalahatan na maging mapanuri at disiplinado sa lahat ng
pagkakataon at sumunod sa mga ipinatutupad na patakaran at protocols.
Sa mensahe ni Mayor Palicpic, binati niya ang lahat
ng mga Manggawang PagbilaoWINS sa pampubliko at probado ng Happy Labor Day,
binati rin ang mga napromote mula sa hanap ng BFP-Pagbilao at pagbati sa
pag-abot ng mas mababang malnutrition rate. Tinalakay din ng Punong Bayan ang
Supplemental Budget, ang isasagawang MDRRMC Planning and Evaluation for CY
2022, at ang pagkakaiba ng mga salitang Quarantine at Isolate. Nabanggit
din na nakasailalim pa rin ang bayan ng Pagbilao bilang bahagi ng Lalawigan ng
Quezon sa General Community Quarantine o GCQ hanggang Mayo 31, 2021.
Kayang Kaya Basta't Sama-sama!
#PagbilaoWINS #SerbisyongPalicpic #DisiplinaMuna
Narito ang iba pang larawan: https://tinyurl.com/y73z827s