Hunyo 14, 2021 | Isinagawa ang Regular Flag Raising Ceremony
sa pangunguna ng Municipal Accounting Office na ginanap sa Municipal
Covered Court.
Inilahad ni Municipal
Accountant Ma'am Delita Manuba ang mga gawain, responsibilidad at
naisakatuparan ng kanilang tanggapan nitong nakaraang taon. Ipinakilala rin ang
mga kawani na bumubuo sa opisina.
Ipinakilala naman
ni HRMO Isabelita Lucila ang mga bagong kawani (Job Order) at ang mga
na-promote na empleyado sa kani-kanilang tungkulin.
Ipinaabot naman ni
Executive Assistant Carlo Magno Ayaton ang mensahe ng ating Punong Bayan
Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic ukol sa Araw ng Kalayaan. Ipinabatid din niya
na ang Punong Bayan ay on Official Leave, Hunyo 10-14, 2021. Gayundin,
ang pagsisimula ng pag-iisyu ng National ID sa Pagbilao National
High School at ang pagtuturok ng Anti-Flu Vaccine sa ating mga
kababayan.
Kayang-Kaya
Basta't Sama-sama!
#PagbilaoWINS #SerbisyongPalicpic
Tingnan ang iba pang larawan: https://tinyurl.com/4chzxen5