The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

Flag Raising Ceremony

September 28, 2020

News

Idinaos ang Flag Raising Ceremony sa pangunguna ng Municipal Planning and Development Coordinator's Office ngayong Setyembre 28, 2020 sa Municipal Park.

Ayon kay Municipal Agriculturist Leonora Melendrez, 58 baboy ag nakolekta sa isinagawang depopulation noong Setyembre 24 sa Sitio Tubigan, Brgy. Alupaye.

Iniulat naman ni Chief Reden L. Romasanta ang naisagawa ng kanilang tanggapan simula Setyembre 21-27 na may kaugnayan sa Peace and Order ng ating bayan.

Sa pangunguna ng HRMO sa pamumuno ni Ma'am Isabelita Lucila, ginawaran ng Plake ng Pagkilala at Pasasalamat ang mga Tanggapan ng MDRRMO, MSWDO, MTO, PNP at BFP para sa kanilang serbisyong may malasakit at pagmamahal sa ating bayan.

Ipinakilala rin ang bagong kawani ng Pamahalaang Lokal na si G. Jayjay na nakatalaga sa proyektong StaySafe.Ph.

Mga Good News naman ang buong galak na ibinalita ni Municipal Administrator Engr. Ian T. Palicpic, ito ay ang pagkakapanalo ni Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic bilang Most Outstanding Mayor of the Philippines in the field of Social Services at ang pagwawagi ng Unang Karangalan at Most Reacted Video ng My Day Dream Pagbilao Entry sa Walk-Around Virtual Tour Contest ng Quezon Tourism Office.

Pangangalaga sa kapaligiran habang nag-eexplore ang isa sa mga mensahe ng ating butihing Punong Bayan, Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic. Dagdag pa dito, ang CoViD-19 updates at ang isasagawang Kainang Pamilya Mahalaga Day mamayang alas tres ng hapon.

 

#PagbilaoWINS #SerbisyongPalicpic

For more photos Click Here