The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

Flag Raising Ceremony

October 12, 2020

News

Isinagawa ang Flag Raising Ceremony ngayong umaga sa pangunguna ng DILG Pagbilao na ginanap sa Pagbilao National High School, Brgy. Mapagong.

Nagbigay ng kanyang latest report si PMAJ Reden L. Romasanta sa mga operasyon na isinasagawa ng ating Kapulisan ukol sa Peace & Order ng ating bayan.

Sa pananalita ni Ma'am Aurea Gandia, District Supervisor ng Pagbilao Districts I at II, isang hamon para sa mga kaguruan ang pagbubukas ng Taong Panuruan 2020-2021 sa kabila ng pandemyang kinakaharap kung saan Modular Distance Learning at Blended Learning Approach ang mga paraan na ginagamit sa pagtuturo. Hindi lamang mahirap sa mga guro, mahirap din para sa mga magulang ito kung kaya humahanap ng mga kaparaanan ang DepEd katuwang ang LGU-Pagbilao upang matugunan ang mga pagsubok na ito.

Malugod namang ibinalita ni Dra. Mara Merluza, kasalukuyang OIC ng Municipal Health Office ang katatapos lamang na 'Capacity Development Training for BHERT to address the COVID-19 Pandemic.

Samantala, Oplan Ligtas Pamayanan on the Road ang binigyang diin ni Sir Argosino ng BFP-Pagbilao at kahalagahan ng Psychological First Aid naman ang kay Municipal Social Welfare and Development Officer Emerita Madla.

Nagpasalamat si Municipal Administrator Engr. Ian T. Palicpic sa mga gurong katuwang sa pagpapaunlad ng bawat PagbilaoWINS. Ipinabatid din niya na kanselado ang ilang aktibades na may kinalaman sa Sports dahil sa COVID-19. Dagdag pa rito, ang pabatla na 24/7 nakatutok Ang CCTV Monitoring and Public Address System sa ating bayan.

Sa mensahe ni #DaBesKa Mayor Shierre Ann Portes Palicpic binigyang pansin ang tinutungo ngayon ng bayan ng Pagbilao ang Recovery Stage. Kasama sa Recovery Package ng LGU ang pamamahagi ng Fuel Subsidy para sa mga Tricycle and Jeepney Drivers, Insentibo para sa 800 Frontliners ng 27 Barangay, Hazard Pay ng mga kawani ng Pamahalaang Lokal at ang karagdagang 8 Rescue Vehicles na ipapamahagi sa susunod na Lunes. Nag-ulat din si Mayor Palicpic ng ukol sa COVID-19, 100 Para-Teachers ng Pamahalaang Panlalawigan, Operasyon ng mga Restaurants at ang mga completed at on-going na imprastraktura at pagawain ng Lokal na Pamahalaan.

Ipinamalas din ni Mayor Shierre Ann ang kanyang taos-pusong pagbati sa ating mga Kaguruan na katuwang ng Pamahalaan sa pagtataguyod ng edukasyon sa ating bayan.

Dumalo rin sa nabaggit na gawain sina Konsehal Manuel Luna, Konsehal Dita Ayaton at Konsehal Apo Martinez na patuloy ang suporta sa mga proyekto at programa ng ating Punong Bayan.

 

#PagbilaoWINS #SerbisyongPalicpic

Para sa iba pang larawan Tingnan