The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

Flag Raising Ceremony

January 03, 2022

News

Bagong Taon, Bagong Pag-asa | Unang Lunes sa taong 2022, isinagawa ng Lokal na Pamahalaan ng Pagbilao ang Regular Flag Raising Ceremony sa pangunguna ng PNP-Pagbilao na ginanap sa Municipal Covered Court.

Sa mensahe ni Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic, masaya niyang binati ang mga kawani ng Masaya at Masaganang Bagong Taon.

Pinasimulan na rin ang PagbilaoWINS Business One Stop Shop (B.O.S.S.) simula January 1 hanggang January 20, 2022 para sa renewal ng mga businesses ng walang nakatasang penalty.

Ibinalita rin ng Punong Bayan na nabigyan na ng permiso na mag-operate ang Double AA Slaughter House ng bayan ng Pagbilao. Dagdag pa niya na panatilihin ang pagsunod sa minimum health protocols dahil sa muling pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Kayang Kaya Basta't Sama-sama!

#PagbilaoWINS #SerbisyongPalicpic

Tingnan ang iba pang larawan: https://bit.ly/3GC2EFj