The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

Flag Raising Ceremony

August 22, 2022

News

Pinangunahan kahapon ng masipag nating Punong bayan Ate Gigi Portes ang lingguhang pagtataas ng watawat sa munisipyo. Isinagawa rin niya ang lingguhang pag-uulat ng mga gawaing natapos noong nakaraang linggo at ang pag-aanunsyo sa mga nakatakdang gawain sa pagtatapos ng Agosto.

Pagkaraan,  nakipagpulong si Ate Gigi kay Kapitan James Penaloza ng Bgy Ilayang Bagumbungan ukol sa mga usaping kaugnay ng kanilang barangay. Kasunod ng pulong ay ang panunumpa sa katungkulan ng ECO TALIPAN SAVINGS AND CREDIT COOPERATIVE sa tanggapan ng Punong Bayan.

Nakipagpulong din kay Ate Gigi ang bagong Principal ng Palsabangon Elementary School na si Gng. SALVE Aurellana. Matapos nito, nakipagpulong naman si Ate Gigi kay G. Patrick Go ukol sa 2022 SGLG National Validation sa tanggapan ng alkalde. Nagdaos din ng pulong ang alkalde sa bawat departamento para sa pagsasaayos ng mga dokumentong kailangan para sa  2022 SGLG.

#PagbilaoWINS #AlagangMayorAteGigiPortes

Tingnan ang iba pang larawan: https://bit.ly/3edV1eX