
Matapos pangunahan kahapon ang Pagtataas ng Pambansang Watawat, nakipagpulong ang ating masipag na Punong Bayan Ate Gigi Portes kay PMAJ Lawrence Panganiban, Hepe ng PNP Pagbilao, ukol sa koordinasyon ng CCTV Command Center sa pulisya. Ito ay upang agarang matugunan ang mga aksidente at mga kahina-hinalang aktibidad na mamomonitor ng mga CCTV camera.
Dumalo rin si Mayor Ate Gigi sa pulong ng Joint Regular Cluster Operations kasama ang Municipal Links para pag-usapan ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program Management. Tinalalay sa pulong ang pag-uulat sa status ng buong cluster na aktibo at di aktibong mga kasapi.
Pagkaraan, dumalo si Ate Gigi sa Local Finance Meeting kasama ang COA Audit Team na sina Mr. Celerino Alviar, Moriel Mutya at Rhoaldh Javellana. Pinag-usapan sa pulong ang Entranxe Conference Audit Exexution at Exit Conference. Tinalakay ang mga panuntunan para sa Audit Trust.
#PagbilaoWINS #AlagangMayorAteGigiPortes
Tingnan ang iba pang larawan: https://bit.ly/3SriDvk