The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

Flag Raising Ceremony

November 07, 2022

News

Nagbigay ang ating masipag na Punong Bayan, Mayor Ate Gigi Portes ng kanyang lingguhang pag-uulat sa publiko kaalinsabay ng Flag Raising Ceremony sa pangunguna ng Municipal Social Welfare and Development Office nitong November 07, 2022 sa Municipal Covered Court.

Kasama si Sir Mark Caringal mula sa Provincial Government ay nagsagawa ng pulong kung saan inilatag ng Punong Bayan ang kanyang programang Pagkain sa Hapag Kainan. Tuturuan ang mga benepisyaryo ng pagtatanim sa kanilang bakuran bilang dagdag pagkakakitaan.

Sa Municipal Disaster Risk Reduction Management Council Meeting sa pangunguna ni Mayor Ate Gigi,  iniulat nina MDRRMO Delfin Magana, MSWDO Emerita Madla at MAO Leonora Melendrez ang bilang ng evacuees, bilang ng mga palayan, maisan at mangisngisda na apektado at asalanta ng bagyong Paeng na ginanap sa Senior Citizens Building.

Napagkasunduan din sa naturang pulong ang pagsusumite ng isang resolution na ang bayan ng Pagbilao zay isasailalim sa State of Calamity.

#PagbilaoWINS #AlagangMayorAteGigiPortes

Tingnan ang iba pang larawan: https://bit.ly/3EXDQJp