
Nitong nakaraang Lunes, nagbigay ng kanyang lingguhang ulat ang masipag na Punong Bayan Ate Gigi sa isinagawang Flag Raising Ceremony sa pangunguna ng Municipal Agriculturist Office na ginanap sa Pagbilao Municipal Covered Court.
Nakadaupang-palad din ni Mayor Ate Gigi ang pwersa ng Bantay Dagat kung saan binigyang pansin niya ang kahalagahan ng pangangalaga sa katubigan at sa yamang tubig para sa mga susunod na henerasyon.
Nagbigay galang din sa Punong Bayan ang DTI kasama ang labing limang (150) benepisyaryo na nakatanggap ng pangunang kapital sa representasyon ng mga produkto na pwede ibenta.
#PagbilaoWINS #AlagangMayorAteGigiPortes
Tingnan ang iba pang larawan: https://bit.ly/3BNkCUL