The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

Free Drinking Water for PagbilaoWINS

April 03, 2020

News

“Libreng Inuming Tubig para sa PagbilaoWINS” Simula bukas, ika-4 ng Abril, 2020 (Sabado) ay magkakaroon ng “Libreng Inuming Tubig para sa PagbilaoWINS” na naglalayong ang bawat PagbilaoWINS sa iba’t-ibang barangay sa bayan ng Pagbilao ay may malinis na tubig na maiinom sa gitna ng krisis na kinakaharap bunsod ng COVID-19. Ang mga boluntaryong 'water tanker na maghahatid ng mga tubig ay personal na pagmamay-ari ni Municipal Administrator Engr. Ian T. Palicpic. Ang mga lalagyan o ‘container’ ng inuming tubig ay hanggang 20 liters lamang para maiwasan ang pagka-aksaya at upang mas maraming mamamayan ang makinabang. Maaaring gamitin ang mga gallon, timba, ‘water container with faucet’, ‘water container for dispenser’, bote ng ‘softdrinks’ na magsisilbing ‘container’. Magtatalaga ang bawat barangay ng isang lugar kung saan ipipila o ihahanay ang mga ‘container’ at ito ay lalagyan ng pangalan. Pagkatapos ipila ang mga 'container' na may pangalan bumalik sa loob ng bahay at hintayin ang abiso kung pwede ng kuhain ang nasabing lalagyan. Ang ikakargang tubig sa 'water truck' ay magmumula sa gripo ng munisipyo na sinusuplayan ng Prime Water.

Narito sa ibaba ang 'schedule' ng boluntaryong 'water tanker':

  • Lunes: Binahaaan/Ibabang Palsabangon
  • Martes: Ikirin (Malawak na Parang) Ibabang Bagunbungan Ilayang Bagumbungan
  • Miyerkules: Pinagbayanan (Gawad Kalinga, Maruhi)
  • Huwebes: Talipan (Ilaya/Coresite)
  • Biyernes: Kanlurang Malicboy, Ikirin (Couples Area)
  • Sabado: Ilayang Polo
  • Linggo: Ibabang Polo

Kayang-kaya Basta't Sama-sama.