The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

GOOD NEWS

October 17, 2022

News

GOOD NEWS!

Lunes, 0ct. 17, nagkaroon ng pulong sa pagitan ng ating masipag na Punong Bayan Ate Gigi Portes at Dr. Riki Tolentino, Municipal Health Officer tungkol sa pagpapatupad ng libreng check up sa mata at pagpapasalamin sa 5000 mga Senior Citizen. Napagpasyahab din sa pulong ang paglalagay ng Nurse sa Lying-in  at pagkakaroon ng libreng Online Class para sa nagnanais maging Midwife at gayundin ang Memorandum of Agreement sa pagitan ng College of Social Work ng Sacred Heart College at LGU Pagbilao.

Dumalo rin si Ate Gigi kasama ang ating Municipal Agriculturist Leonora Melendrez sa pulong ng Philippine Rice Institute dahil isa ang Pagbilao sa napiling bayan para isagawa ang kanilang Research Studies.

Pagkaraan, dumalo si Ate Gigi sa presentasyon ni MPDC EnP. Jan Luke Patrick Go tungkol sa Innovation Project Concept kaugnay ng proyektong Karinderya ni Ate Gigi.

Martes, Oct 18.

Pinangunahan ng ating masipag na Punong Bayan Ate Gigi Portes ang unang araw ng pagpapatupad ng mga serbisyo  ng Lokal na Pamahalaab aa Bgy. Silangang Malicboy. Dinaluhan ito ng mga pinuno ng bawat departamento para sa mas malinaw na pagpapaliwanag ng mga serbisyo.

Pagkaraan, nagtungo si Ate Gigi  upang makipagkumustahan at magbigay ng mensahe sa Proyektong Yamang Lupa. Tinalakay doon ang iba't ibang isyu ukol sa agrikultura. Ito ay kaugnay ng programang Pagkain sa Hapag Kainan ng ating Punong Bayan.

Pagkaraan, dumalo si Ate Gigi sa Kapitolyo para dumalo sa pulong kasama si Governor Helen Tan ukol sa PNR Re-allignment.

Matapos ang nasabing pulong dumalo naman si Ate Gigi at nagbigay ng mensahe sa 149 magsasaka na nagsipagtapoa sa Palay Aralan. Pagkaraan, pinangunahan ni Ate Gigi ang pamamahagi ng mga wall fan, air purifier, at face mask sa iba't ibang paaralan ng Pagbilao District 2. Ginanap ito sa Binahaan Integrated School. Dinaluhan ang nasabing programa ng Tagapamasid Pampurok Desideria Zafranco.

#PagbilaoWINS #AlagangMayorAteGigiPortes

Narito ang iba pang larawan: https://bit.ly/3sgwA48