The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

Ground Breaking Ceremony

September 14, 2021

News

MATAGUMPAY na isinagawa ang Ground Breaking Ceremony para sa konstruksyon ng bagong Barangay Hall ng Brgy. Bukal nitong Setyembre 14, 2021.

Pinangunahan ito ni Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic kasama sina Konsehal Dita Ayaton, Konsehal Manny Luna, Konsehal Aldrien Calabia, Konsehal Lito Merle at mga opisyal ng nabanggit na barangay.

Taos-pusong pasasalamat ang ipinaabot ni PB Privado Carlos at Sangguniang Barangay ng Bukal sa Lokal na Pamahalaan ng Pagbilao, Umali Realty at sa lahat ng naging kabahagi upang maisakatuparan ang makabuluhang proyektong ito.

Itatayo ang naturang dalawang palapag na may makabagong desenyong gusali sa Golden Meadows Subdivision, Brgy. Bukal, Pagbilao, Quezon.

Kayang Kaya Basta't Sama-sama!

#PagbilaoWINS #SerbisyongPalicpic

Tingnan ang iba pang larawan: https://bit.ly/2W0s3qg