
Nagpapasalamat
ang Pamahalaang Lokal at si Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic sa Prime Water
Quezon Metro sa paglalagay ng 'Hand Washing Station' na matatagpuan sa Brgy.
Mapagong. Araw-araw 10,000 litrong tubig ang nagmumula sa Prime Water at
karagdagang 10,000 litrong tubig naman ang nagmumula sa ating Pamahalaang
Bayan. Hinihikayat po ang ating mga biyahero, frontliners at maging ang lahat
ng ating kababayan na ugaliin ang palagiang paghuhugas ng kamay batay sa proper
handwashing tips.