Ika-288 Araw ng Pagbilao at Ika-333 Araw ng Parokya ipinagdiwang ng mga PagbilaWINS

Nagkaisa ang Lokal na Pamahalaan ng Pagbilao na pinangungunahan ni Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic, at ang Parokya ni Santa Catalina ng Alejandria sa pangunguna ni Rev. Fr. Ferdinand I. Maaño sa pagdiriwang ng Ika-288 Araw ng Pagbilao,  Papag at Bilao Festival at Ika-333 Araw ng Parokya, Agosto 26-31, 2018.

 Agosto 25, 2018

 Fluvial Procession, Sayaw Dasal (Indak Parangal) Alay sa Patrona, Pagsalubong, Banal na Misa

 Sa paggunita ng ika-333 taong pamamayagpag ng Parokya ni Santa Catalina ng Alejandria, V.M. sa Bayan ng Pagbilao, nagkaroon ng Fluvial Procession, Sayaw Dasal (Indak Parangal) Alay sa Patrona, Pagsalubong at Banal na Misa, Agosto 25, 2018.

 Ang Fluvial Procession, Sayaw Dasal (Indak Parangal) Alay sa Patrona at Pagsalubong ay re-enactment ng pagdating ng imahen ni Santa Catalina ng Alejandria sa Pagbilao noong 1685 at pagkakatatag ng Simbahan sa kasalukuyang kinatatayuan nito.

 Nagsimula sa pag-indak ang mga nag-aabang na deboto nang mamataan ang paparating na imahen ng patrona. Kasabay ng masiglang pagsayaw, isinisigaw nila ang “Viva! Santa Catalina!” Napuno ng mga deboto ang kalye patungo sa Simbahan nang ihatid nila roon ang imahen.

 Nakiisa sa masayang kaganapan si Punong Bayan Shierre Ann Portes-Palicpic, kasama ang mga kawani ng pamahalaang bayan.

 Matapos ang Fluvial Procession, Sayaw Dasal (Indak Parangal) Alay sa Patrona at Pagsalubong, isinagawa ang Banal na Misa sa pangunguna ni Fr. Maaño.

 

 Agosto 27, 2018

 Variety Show

 Bilang bahagi pa rin ng pagdiriwang ng 288th Araw ng Pagbilao at Papag at Bilao Festival ngayong 2018 ay nagkaroon ng Variety Show kung saan nagbigay kasiyahan sina Katya Santos at Anjo Damiles ang mga Pagbilaoin. Inihatid nina Governor David ‘Jayjay’ Suarez at House Minority Floor Leader Cong. Danny Suarez ang naturang aktibidad bilang pakikiisa sa nasabing selebrasyon ng Pagbilao.

 

Agosto 28, 2018

 Buntis Congress

 Binigyang kaalaman at mahahalagang impormasyon ang mga buntis mula sa iba’t-ibang barangay sa bayan ng Pagbilao sa isinagawang Buntis Congress na kung saan inimbitahan si Dr. Fay De ocampo isang espesiyalista sa pag-aalaga sa mga buntis. Tinatayang aabot sa 600 nagdadalan-tao ang dumalo sa nasabing aktibidad.

 

Agosto 29, 2017

 ALMUSAYA Coverage of Unang Hirit

 Pinaunlakan ng morning show na Unang Hirit ang kahilingan ng lokal na pamahalaan ng bayan ng Pagbilao ang mai-ere sa kanilang programa ang Almusaya na kung saan ipinakita ang boodle fight ng mga Pagbilaoin, bata, matanda, at mga miyembro ng iba’t-ibang samahan dito kasama sina Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic at Municipal Administrator Ian Palicpic.

 Misa Pasasalamat ng Parokya at Pamahalaang Bayan

 Sa pamamagitan ng Banal na Misa na pinamunuan ni Fr. Maaño, ay nagpasalamat ang buong Parokya at Pamahalaang Bayan sa Panginoon na nagkaloob at patuloy na nagkakaloob ng mga biyaya sa bayan ng Pagbilao at bawat PagbilaoWIN.

 Palaro ng Kalinangang Pagbilawin

 Isa din sa mga inabangang kaganapan sa pagdiriwang ay ang Palaro ng Kalinangang Pagbilawin noong Agosto 29. Ito ay isinagawa matapos ang coverage ng Unang Hirit. Ang masayang aktibidad ay nilahukan ng iba’t-ibang grupo tulad ng Kapisanan ng Liping Pilipina o KALIPI-Pagbilao at Men Opposed to Violence Against Women and Children Everywhere o MOVE-Pagbilao.

 Tampok dito ang mga palarong Pagbilawin tulad ng pabilisan sa pagtatapas at pagkakayod ng niyog, sack race at Maria Went to Town.

 Ang mga nagwaging kalahok ay tumanggap ng papremyo mula sa pamahalaang lokal sa pamamagitan nina Mayor Palicpic at Municipal Administrator Ian Palicpic.

 Awarding Ceremony of Natatanging Anak ng Pagbilao 2018

 Tatlong katangi-tanging mga “Anak” ng Bayan ng Pagbilao na nagpamalas ng galing at talino sa kani-kanilang larangan at nagdala ng mga karangalan sa Bayan ang kinilala bilang mga “Natatanging Anak ng Pagbilao 2018” noong Agosto 29 sa Sentrong Pangkabuhayan Auditorium.

  Ang tatlo na pinarangalan ay sina Ayrin Marsanto Llorin, Jermyn Pardillo Prado, at ang namayapang si Regino Obdianela Cabrera.

 Awarding Ceremony of Ten Outstanding Business Taxpayers 2018

 Sampung (10) mga negosyante at sampung (10) korporasyon sa Pagbilao ang kinilala ng pamahalaang bayan bilang Outstanding Business Taxpayers for 2018, Agosto 29 sa Sentrong Pangkabuhayan Auditorium.

 Ang 10 negosyanteng pinarangalan ay sina: Gaspar K. Ong ng La Suerte Mega Warehouse; Benito M. Orinday ng B-Valm Construction & Supply; Ian T. Palicpic ng PAL POR IAN Aggregates, Trucking & Heavy Equipment Rental; Johnson R. Pardilla ng JTP Commercial; Mary Ann R. Pardilla ng Silangang Nayon Park and Restaurant; Katherine R. Miyaoka ng Phil. Seven Corporation (711); Diana Xu Lu ng JH & MK Steel; Gilbert Madridano at Monchito Avila ng Papag at Bilao Catering Services; Norberto C. Dequina ng Thymed Enterprises at Milagros O. Carlos ng La Brea Agri-Farm.

 Samantala, ang 10 korporasyon naman na pinarangalan ay ang: EEI Corporation; SEBO MEC Philippines Corporation; SB Construction Corporation; BEC Specialist Philippines; CCT Construction Corporation; DESCO Incorporated; DAELIM Philippines Inc; Daejoo Heavy Builders Phil. Inc.; Therma Luzon, Inc.; at DAEAH Philippines Inc.

 Naganap ang awarding ceremony ng 10 Outstanding Business Taxpayers 2018 matapos ang pagpaparangal sa mga Natatanging Anak ng Pagbilao 2018.

 

Agosto 30, 2018

 Grand Parade

 Pinaka-inabangan at pinaka-tinangkilik ng mga PagbilaoWIN sa pagdiriwang ng 288th Araw ng Pagbilao at Papag at Bilao Festival ang Grand Parade na naganap noong Agosto 30.

 Tampok sa Grand Parade ang mahuhusay na mga kalahok ng Street Dancing Competition, makukulay at malalaking karosa, mga naggagandahang mutya, mga estudyante at guro mula sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Pagbilao, mga opisyal at empleyado ng pamahalaang lokal at mga opisyal ng barangay. Dagdag pa dito ay higit na pinasaya at binigyang kahulugan ng mga artistang sina Marlann Flores at Bryan Santos ang naturang aktibdidad.

 Street Dancing Competition, Natatanging Karosa, LGBT Parade of Costumes at Lakambini ng Pestibal

 Limang (5) grupo ang nagtagisan sa Barangay Category ng Street Dancing Competition, habang lima din (5) naman sa School-Based Category. Naganap ang pinakainabangang kompetisyon noong gabi ng Agosto 30 sa St. Catherine of Alexandria Parish Grounds.

 Sa Barangay Category, itinanghal na kampeon ang Brgy. Parang. Nagkamit naman ng ikalawang pwesto ang Brgy. Tambak, at ikatlong pwesto ang Brgy. Bukal.

 Samantala, sa School-Based Category, wagi ang Pagbilao Grande Island National High School. Pumangalawa ang DepEd Pagbilao District 2 at pumangatlo ang CVE Colleges, Inc.,.

Bukod sa kampeonato sa magkaibang kategorya, iniuwi rin ng Brgy. Parang ang Best in Costume award at ang Natatanging Grupo habang nakamit ng Pagbiloa Grande Island National High School ang unang pwesto para sa naturang award at wagi din sa ikalawang pwesto ang mga sumusunod Brgy. Sta. Catalina, Tambak at DepEd Pagbilao District 2.

 Kinilala bilang Natatanging Karosa ang karosa ng Brgy. Daungan at sinundan ito ng karosa ng Brgy. Sta. Catalina (2nd place) at karosa ng M. Lhuillier (3rd place).

 Dagdag pa dito ay ginawaran rin bilang Pinakamasayang Grupo ang mga miyembro ng KALIPI ng Brgy. Castillo, Pinakamakulay na Grupo ang Brgy. Ilayang Palsabangon at Pinakamakahulugan naman ang Pagbilao Academy.

 Binigyan din ng pagkakataon ang mga miyembro ng LGBT Community sa Pagbilao na makiisa at makisaya para sa selebrasyon ngayong taon na kung saan ginanap ang LGBT Parade of Costumes at nanalo dito si Jeric Eubion Cabile habang nakamit naman ni Luigi Contreras ang ikalawang pesto at ang ikatlong pwesto naman ay napanalunan ni Jake Bernal. Nagwagi din si Ralph Gerard Palacio at nakamit ang Best in Costume na isang special award.

 Labindalawang (12) maririkit na dilag ang naglaban sa titulo bilang Lakambini ng Pestibal 2018. Suot ng mga kandidata ang makukulay na festival gowns na siyang sumisimbolo sa Papag at Bilao Festival. Ang pagpili sa Lakambini ng Pestibal para sa taong ito ay ginanap matapos ang inabangang Grand Parade.

 Nasungkit ni Camille Regis ng Brgy. Parang ang korona bilang Lakambini ng Pestibal 2018. Si Charlene Bailey ng CVE Colleges, Inc naman ang nag-uwi ng ikalawang pwesto, habang si Shella Mae Naz ng Brgy. Ikirin ang nakakuha ng ikatlong pwesto.

 

Agosto 31, 2018

 Street Party at Gabi ng Pagdiriwang

Sa pagtatapos ng pagdiriwang ng 288th Araw ng Pagbilao at Papag at Bilao Festival ngayong 2018, nagdaos ng Street Party at Gabi ng Pagdiriwang ang Pamahalaang Bayan ng Pagbilao sa pangunguna ni Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic, Agosto 31.

 Nagkaroon din ng raffle draw kung saan ang mga napanalunan ay 32” flat tv, refrigerator, mobile phones, plantsa, rice cooker, burner stove, electric fan, lima at dalawampu’t limang kilong bigas, at electric kettle.

 Samantala, ang bandang Sponge Cola ang nagbigay ng saya at galak sa mga PagbilaoWINS na bagamat umulan ay hindi naging hadlang upang mapa-wow ang mga PagbilaoWIN at sabayan ang mga sumikat na kanta ng naturang banda gaya ng Jeepney, Tuliro, Makapiling Ka, Tambay, at iba pa.

 Sa pagtutulungan at pagkakaisa ng mga PagbilaWIN, Pamahalaang Bayan ng Pagbilao at Parokya ni Santa Catalina ng Alejandria, naging matagumpay ang pinagsama-samang pagdiriwang ng kultura, kasaysayan at buhay. #PagbilaoWINS #SerbisyongPalicpic

Contact Us

Pagbilao Municipal Hall
Rizal St., Brgy. Sta. Catalina,
Pagbilao, Quezon

Telephone No.: (042) 797-0937
Email: quick@pagbilao.gov.ph [click here]

Philippine National Police
Tel. No.: (042) 797-2854
Bureau of Fire Protection
Tel No.: (042) 797-0932
Health Office
Tel No.: (042) 797-3092

Department:

Enter the word below

captcha

LATEST NEWS

Ika-288 Araw ng Pagbilao at Ika-333 Araw ng Parokya ipinagdiwang ng mga PagbilaWINS

Tuesday, September 4, 2018 @ 3:29

Nagkaisa ang Lokal na Pamahalaan ng Pagbilao na pinangungunahan ni Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic, at ang Parokya ni Santa Catalina…

Read More

LGU recognizes 10 Outstanding Business Taxpayers of 2018

Tuesday, September 4, 2018 @ 2:19

Ten (10) businessmen and ten (10) corporations in Pagbilao were recognized by the municipal government as Outstanding Business Taxpayers for…

Read More

SHARE THIS
Copyright © 2014-2018 Municipality of Pagbilao, Quezon, Philippines. All Rights Reserved.