ILANG MGA PRODUKTO NG PAGBILAO BIDA SA ISINAGAWANG FRANCHISE ASIA PHILIPPINES 2018

Bumida ang ilang mga produkto ng bayan ng Pagbilao na personal na ginawa ni Chona Dañez Bandola, tatlumpu’t-anim na taong gulang, mula sa Barangay Ikirin, Pagbilao, Quezon sa isinagawang Franchise Asia Philippines 2018 mula Hulyo  20-22, 2018 sa SMX Convention Center Manila.

Minsan nang naging bahagi ng Rural Improvement Club (RIC) si Bandola na kung saan ay nagsimula siyang sumailalim sa iba’t-ibang organic farming at Department of Trade and Industry (DTI) trainings na nagbigay ng kaukulang kaalaman at kasanayan sa kaniya.

Isa rin siya sa libu-libong miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps sa nasabing lugar na nagsumikap upang pagbutihin ang kaniyang hanapbuhay at ngayon ay patuloy ang biyayang kaniyang tinatanggap dahil sa hindi nito pagsuko sa pagharap sa hamon ng buhay.

Malaki rin ang naging kontribusyon ng pagiging miyembro ng lehitimong Pagbilaoin na si Chona Bandola sa Organic Farmers Association of Pagbilao (OFAP).

Dagdag pa dito ay ginawaran rin si Chona Bandola bilang Outstanding Regional Rural Women of 2018 ng Regional Office ng Department of Agriculture (DA) pagpapatunay lamang na siya ay nagpunyagi sa larangan ng organikong pagsasaka upang makamtan ang naturang parangal.

Ilan sa mga produktong ibinenta ni Bandola sa ilalim ng pangalang Charn’s Food Products sa Franchise Asia Philippines 2018 ay ang kaniyang sariling gawang pure kaong with turmeric na suka, rice coffee,taro and cassava chips, santan jam, parirutong at iba pa.

Samantala, para sa mga nagnanais na bumili ng mga nasabing produkto ay matatagpuan ito sa Sentrong Pangkabuhayan at sa kaniyang tahanan mismo sa nasabing barangay.

Lubos na kamangha-mangha ang kakayanan at kagalingang ipinakita ni Chona Bandola na maituturing bilang isang tunay na #PagbilaoWIN.

no images were found

Contact Us

Pagbilao Municipal Hall
Rizal St., Brgy. Sta. Catalina,
Pagbilao, Quezon

Telephone No.: (042) 797-0937
Email: quick@pagbilao.gov.ph [click here]

Philippine National Police
Tel. No.: (042) 797-2854
Bureau of Fire Protection
Tel No.: (042) 797-0932
Health Office
Tel No.: (042) 797-3092

Department:

Enter the word below

captcha

LATEST NEWS

LGU holds Mr. & Ms. Pagbilao 2018

Wednesday, November 28, 2018 @ 1:26

Nine (9) lovely ladies and eight (8) dashing gentlemen vied for the Mr. & Ms. Pagbilao crown, November 23, 2018…

Read More

Kapistahan ni Sta. Catalina ng Alejandria, ipinagdiwang ng mga PagbilaoWINS

Wednesday, November 28, 2018 @ 1:23

Kapistahan ni Sta. Catalina ng Alejandria, ipinagdiwang ng mga PagbilaoWINS Sama-sama at nagkakaisang ipinagdiwang ng mga mamamayan ng Pagbilao ang…

Read More

SHARE THIS
Copyright © 2014-2018 Municipality of Pagbilao, Quezon, Philippines. All Rights Reserved.