Isinagawang muli ang inspeksyon ng buong
pasilidad ng Binahaan Integrated School (BIS) bilang 'Isolation Facility' ng bayan
ng Pagbilao ngayong araw, Abril 20, 2020. Personal na binisita nina Dr. Francis
Gerard M. Daya - OIC Municipal Health Officer, Evelyn Isaguirre, PMAJ Reden L.
Romasanta, Sir Arnel Lloren ng Sanidad, Delfin P. Magana - MDRRM Officer at
Jane Luce ang nabanggit na paaralan upang suriin ang kaangkupan nito para sa
'proper monitoring and observance' ng 'suspect' at 'probable cases' at base sa
QPPOC 0418-158. REFERENCE: MEMORANDUM FM RD, PRO4A noong Abril 18, 2020,
kinakailangan na maglagay rin ng 'quarantine facility' para sa mga PNP
'personnel' sa pinakamadaling panahon.