
Pinangunahan ng ating napakasipag na Punong Bayan Ate Gigi Portes ang iba't ibang gawain noong Biyernes, September 30, 2022.
Kasama si Mr. Ronnel Rustia, OIC MENRO, Mr Kevin Tina at mga kawani ng BFP at DENRO-CENRO Tayabas, isinagawa ang International Coastal Clean-up at pagtatanim ng Bakawan sa Bgy. Ibabang Palsabangon.
Pagkaraan, nakipagpulong si Ate Gigi kina PMAJ Lawrence Panganiban, OIC COP Pagbilao, Mr. Manny Veluz, Mr. Patrick Go at Chairman ng PTSC hinggil sa karaingan ng mga namamasadang dyipni patungkol sa kanilang paradahan sa SM Lucena.
Dumalo rin si Ate Gigi at sinaksihan ang Turnover Ceremony ng TLI 2022 SOFTSHELL CRAB PRODUCTION LIVELIHOOD PROJECT na ginanap sa BFAR Office Pagbilao.
Kaugnay nito, dumalo rin at nagbigay ng pananalit si Ate Gigi sa Pagtatapos: TESDA ORGAMIC FARMING.
#PagbilaoWINS #AlagangMayorAteGigiPortes
Narito ang iba pang larawan: https://bit.ly/3gt6OXJ