The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

Iskolar ng Bayan Application For Academic Year 2020 - 2021

July 20, 2020

News

“Iskolar ng Bayan Application For Academic Year 2020 - 2021”


Pagbilao, Quezon - Hulyo 20, 2020, patuloy ang pagkuha ng Entrance Examination ng mga PagbilaoWINS na nagnanais mapabilang sa mga Iskolar ng Bayan sa ilalim ng Municipal Educational Assistance Program (MEAP) ng Pamahalaang Lokal sa pamumuno ni Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic.


Para sa mga bagong aplikante kailangan nilang magdala at magsumite ng photocopy ng card kay Sir Elmer Atiga, Scholarship Coordinator bago makakuha ng eksaminasyon.


Ang Scholarship Entrance Examination ay magtatagal hanggang sa Hulyo 31, 2020 (Biyernes) na isinasagawa sa Sentrong Pangkabuhayan Auditorium at inaasahan na ang resulta nito ay ipo-post sa Official Facebook Page of Municipality of Pagbilao Quezon, unang linggo ng Agosto.


Sa kabilang banda, tumatanggap na rin ng mga dokumento mula sa mga existing scholars para sa renewal ng kanilang subsidy.


#PagbilaoWINS #SerbisyongPalicpic

For more photos Click Here