Kapistahan ni Sta. Catalina ng Alejandria, ipinagdiwang ng mga PagbilaoWINS

Kapistahan ni Sta. Catalina ng Alejandria, ipinagdiwang ng mga PagbilaoWINS
Sama-sama at nagkakaisang ipinagdiwang ng mga mamamayan ng Pagbilao ang Kapistahan sa karangalan ni Santa Catalina ng Alejandria V.M., Mahal na Patrona ng Bayan ng Pagbilao, Nobyembre 19-23, 2018.

Tahanang Papag at Bilao 2018 | Nobyembre 19-21, 2018
Opisyal na nagsimula ang pagdiriwang ng Pagbilao Town Fiesta 2018 noong Nobyembre 19 sa pagbubukas ng Tahanang Papag at Bilao 2018. Ang mga tahanan sa Zamora, Pornobi, Alvarez at Gen. Luna Streets sa Brgy. Sta. Catalina ay dinisenyuhan ng papag, bilao, mga agricultural materials at makukulay na ilaw. Ngayong taon ay apatnapu’t lima (45) na mga bahay ang nagpaligsahan para sa titulo bilang natatanging Tahanang Papag at Bilao.
Pinasinayaan ni Punong Bayan Shierre Ann Portes-Palicpic ang pagbubukas ng Tahanang Papag at Bilao 2018. Sina Bb. Emmy Abellanosa, Senior Statistician I mula sa Philippine Statistics Authority (PSA) Lucena; G. Roy Aquino, kilalang Fashion Designer mula sa Lucena City; at G. Dominic Pasamba, Owner ng isang flower shop sa Lucena City ang nagsilbing mga hurado na lumibot sa mga naggagandahang tahanan noong Nobyembre 19, 20 at 21. Ang mga lumahok na tahanan ay hinusgahan base sa tatlong pamantayan: Kabuuang Gayak at Kaugnayan sa Tema (50%), Materyales (30%), at Pangkalahatang Dating (20%).
Ang mga nagwaging Tahanang Papag at Bilao ay inanunsyo at pinarangalan noong Nobyembre 22, alinsabay sa isinagawang Lighting ng Christmas Display ng munisipyo. Ang Tahanang Papag at Bilao ng Pamilya Catalla ang nakasungkit ng unang pwesto kalakip ang cash prize na P30,000. Wagi bilang ikalawa ang Tahanang Papag at Bilao ng Pamilya Derilo-Eugenio na nagkamit ng cash prize na P25,000. Ang Pamilya Eule naman ang nag-uwi ng ikatlong pwesto at P20,000 cash prize.

Paligsahan ng Kulturang Sayaw ng Pagbilao | Nobyembre 19, 2018
Nagtagisan sa pagsayaw sa saliw ng himno ng “Papag at Bilao” ang apat na grupo sa isinagawang Paligsahan ng Sayaw ng Kulturang Pagbilaowin, Nobyembre 19 sa Fiesta Stage sa T-Square. Sa kanilang presentasyon, ipinakita ng mga lumahok ang kultura at sining ng Bayan ng Pagbilao.
Wagi ang mga guro ng Pagbilao District I na nag-uwi ng tropeo at P15,000 bilang premyo. Pumangalawa ang mga mag-aaral ng Pagbilao Academy na nag-uwi ng tropeo at premyong P10,000. Habang nasungkit naman ng mga mag-aaral mula sa CVE Colleges Inc., ang pangatlong pwesto, tropeo at premyong P5,000. Tumanggap naman ng consolation prize na P3,000 ang mga mag-aaral mula sa Silangang Malicboy National High School. #PagbilaoWINS #SerbisyongPalicpic

Araw ng Kalalakihan with MOVE | Nobyembre 19, 2018
Puno ng saya at musika ang pagdiriwang ng Araw ng Kalalakihan 2017, Nobyembre 19, kung saan nagtipun-tipon ang mga miyembro ng Men Opposed to Violence Against Women and Children Everywhere (MOVE) sa pamumuno ni MOVE Quezon at MOVE Pagbilao President, Municipal Administrator Ian Palicpic. Nakisaya rin sa programa si Punong Bayan Shierre Ann Portes-Palicpic.
Sinimulan ng mga kalalakihang PagbilaoWIN na bumubuo sa MOVE ang pagdiriwang ng Araw ng Kalalakihan 2018 sa isang Banal na Misa sa pamumuno ni Rev. Fr. Everette Calvendra. Matapos ang Banal na Misa, pumarada sa kabayanan ang mga #MakabagongAndres ng Pagbilao – mga kasapi ng MOVE.
Sa panggabing programa, nagpamalas at nagtagisan ng talento ang mga kasapi ng MOVE. May mga sumayaw, kumanta, at tumugtog ng instrumento. Nakisaya rin sa programa si Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic.
Kaalinsabay ng programa, ay ang pagpaparangal kay PFC John Mark Glodoviza bilang “Makabagong Andres”. Ipinamalas niya ang katatagan at pagiging responsableng alagad ng batas, gayundin ang kaniyang katapangan upang ipaglaban ang karapatan ng bawat Pilipino laban sa mga mapang-abusong indibidwal.
 Ang Araw ng Kalalakihan ay isinasagawa ng Pamahalaang Bayan ng Pagbilao taun-taon sa pangunguna nina Punong Bayan at Mun. Admin. Palicpic upang kilalanin ang mga kalalakihang #PagbilaoWINS na tunay na mga #MakabagongAndres.

Araw ng Kababaihan with KALIPI | Nobyembre 20, 2018
Naging masaya at matagumpay ang pagdiriwang ng Araw ng Kababaihan 2018 sa pangunguna ng Pamahalaang Bayan ng Pagbilao at sa pamamahala ng Municipal Social Welfare and Development Office, Nobyembre 20. Pinuno ng mga miyembro ng Kapisanan ng Liping Pilipina (KALIPI) ng tawanan ang Municipal Covered Court sa mga isinagawang paligsahan. Nakiisa sa masayang programa si Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic, na nagbigay ng mensahe sa mga kapwa niya kababaihang PagbilaoWIN kasama ang kaniyang butihing ina at kasalukuyang Executive Secretary nito, Venus Portes.
Ang pagdiriwang ng Araw ng Kababaihan sa Bayan ng Pagbilao ay taunang isinasagawa bilang pagkilala sa mga kababaihang PagbilaoWIN at pagbibigay-pugay sa namayapang kauna-unahang babaeng punong bayan na si Former Mayor Trinidad “Trining” Alvarez.

Talentadong Pagbilaowin 2018 | Nobyembre 20, 2018
Ipinamalas ng labing-apat (14) na kalahok sa Talentadong Pagbilaowin 2018 ang galing at talento ng mga mamamayan ng Pagbilao sa iba’t-ibang larangan ng pagtatanghal, Nobyembre 20 sa Pagbilao Municipal Covered Court.
Umuwing kampeon si Ohmar Pabellosa na nagpamalas ng kaniyang singing skills, habang nakamit naman ng Kulturang Mandirigma ang ikalawang pwesto na nakapagpbilib sa mga hurado sa kanilang galing sa pag-indak at nasungkit naman ng mahusay na dancing group na D’Magnificent Dancers ang ikatlong puwesto. Ang Talentadong Pagbilaowin 2018 ay bahagi ng pagdiriwang ng Pagbilao Town Fiesta ngayong taon

Parol Making Contest 2018 | Nobyembre 22, 2018
Hinusgahan na noong Nobyembre 23 ang labing-limang (15) parol na kalahok sa ikalawang taon ng Parol-Making Contest ng Pamahalaang Bayan ng Pagbilao sa pangunguna ni Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic at sa pamamagitan ng Municipal Tourism Office. Wagi ang Parol na ginawa ni Danilo Eyatid na nag-uwi ng plaque at cash prize na P20,000 habang iniuwi naman nina Virgilio at Lizel Piñon ang ikalawang pwesto na nagkamit ng gantimpalang nagkakahalaga ng P15,000 at pumangatlo naman ang parol nina Christopher at Crispin Pornela na nag-uwi ng premyong nagkakahalaga ng P10,000. Samantala, labin-dalawa (12) mga parol naman ang mag-uuwi ng consolation prize na P3,000.
Ang mga parol ay hinusgahan base sa mga sumusunod na pamantayan: Originality and Uniqueness of materials (30%), Creativity and Coherence of design (25%), Craftsmanship (25%), and Over-all Appeal and Visual Impact (20%). Pinasinayaan ni Punong Bayan Palicpic ang judging ng Parol-Making Contest 2018. Nagsilbing hurado sina G. Daryl Hernandez at Generaida Remanes na kapwa mula sa Provincial Tourism Office, Bb. Emerita Madla, MSWDO Head, G. Joe Mar Levi Pornobi ng DepEd Division Office at Bb. Jessa Peñaranda ng Bureau of Fire Protection.

Lighting of Christmas Display | Nobyembre 22, 2018
Napuno ng makukulay na ilaw ang Pamahalaang Bayan at ang Pagbilao Park sa ginanap na Lighting of Christmas Display, gabi ng Nobyembre 22. Nakamamangha rin ang inihandog ng Pamahalaang Bayan na fireworks display kung saan makukulay at nagsasayawang mga ilaw ang tanging tumanglaw sa madilim na kalangitan.
Alinsabay sa pinakahihintay na programa ay ang pagpaparangal sa mga nanalo sa Tahanang Papag at Bilao 2018 gayundin sa Parol Making Contest.
Ang mga aktibidad kaugnay ng pagdiriwang ng Kapistahan ni Sta. Catalina ng Alejandria ay inihandog ng Pamahalaang Bayan ng Pagbilao sa pamamagitan ng Municipal Tourism Office at sa pakikipagtulungan sa Parokya ni Sta. Catalina ng Alejandria. Ang opisyal na petsa ng Kapistahan ay Nobyembre 25.

Drums & Lyre Band Exhibition | Nobyembre 23, 2018
Muling ipinamalas ng #PagbilaoWIN drums and lyre bands ang kanilang galing sa pagtugtog at pagsayaw sa naganap na Drums and Lyre Band Exhibition, Nobyembre 23 sa St. Catherine of Alexandria Parish Grounds.
Lubos na nagpapasalamat ang Pamahalaang Bayan ng Pagbilao, Municipal Tourism Office at si Punong Bayan Shierre Ann Portes-Palicpic sa mga sumusunod na paaralang lumahok sa Drums and Lyre Band Exhibition at nagbahagi ng kanilang talento: Parang-Pinagbayanan ES, Pagbilao East ES, Pagbilao NHS, Polo South ES, Talipan NHS, Silangang Malicboy NHS, Binahaan Integrated School, Bukal ES, Pagbilao Academy, Palsabangon ES, Malicboy East ES, at Pagbilao Central ES.

Ang mga aktibidad kaugnay ng pagdiriwang ng Kapistahan ni Sta. Catalina ng Alejandria ay inihandog ng Pamahalaang Bayan ng Pagbilao sa pamamagitan ng Municipal Tourism Office at sa pakikipagtulungan sa Parokya ni Sta. Catalina ng Alejandria. Ang opisyal na petsa ng Kapistahan ay Nobyembre 25. #PagbilaoWINS #SerbisyongPalicpic

Contact Us

Pagbilao Municipal Hall
Rizal St., Brgy. Sta. Catalina,
Pagbilao, Quezon

Telephone No.: (042) 797-0937
Email: quick@pagbilao.gov.ph [click here]

Philippine National Police
Tel. No.: (042) 797-2854
Bureau of Fire Protection
Tel No.: (042) 797-0932
Health Office
Tel No.: (042) 797-3092

Department:

Enter the word below

captcha

LATEST NEWS

LGU holds Mr. & Ms. Pagbilao 2018

Wednesday, November 28, 2018 @ 1:26

Nine (9) lovely ladies and eight (8) dashing gentlemen vied for the Mr. & Ms. Pagbilao crown, November 23, 2018…

Read More

Kapistahan ni Sta. Catalina ng Alejandria, ipinagdiwang ng mga PagbilaoWINS

Wednesday, November 28, 2018 @ 1:23

Kapistahan ni Sta. Catalina ng Alejandria, ipinagdiwang ng mga PagbilaoWINS Sama-sama at nagkakaisang ipinagdiwang ng mga mamamayan ng Pagbilao ang…

Read More

SHARE THIS
Copyright © 2014-2018 Municipality of Pagbilao, Quezon, Philippines. All Rights Reserved.