TULOY ANG KASALAN, patunay na may PAG-ASA at PAG-IBIG sa
gitna ng pandemya
Ngayong araw,
labing tatlong (13) PagbilaoWINS couples ang nagpalitan ng vows sa isinagawang KASALANG
BAYAN 2021 ng Lokal na Pamahalaang Lokal ng Pagbilao sa pangunguna ni Mayor
Shierre Ann Protes-Palicpic nitong Oktubre 29, 2021 sa Sentrong Pangkabuhayan Building.
Ang programang
isinagawa ay bahagi din ng kampanya para ipabatid sa ating mga kababayan na may
mga ligtas na paraan para gawin ang bagay-bagay sa ilalim ng "New
Normal". Tiniyak naman ng LGU na maayos na naipatupad ang social
distancing at iba pang health protocols.
Kayang Kaya Basta't Sama-sama!
#PagbilaoWINS #SerbisyongPalicpic
Tingnan ang iba pang larawan: https://bit.ly/3w7SBn0