The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

Landbank Lucena Branch - Payroll System

November 14, 2022

News

Nagbigay ng kanyang lingguhang pag-uulat ang ating masipag na Punong Bayan, Mayor Ate Gigi Portes sa mga kawani ng Lokal na Pamahalaan ng Pagbilao noong nakaraang November 14, 2022 sa Municipal Covered Court.

Kaalinsabay nito ay ang paglagda ni Mayor Ate Gigi sa kasunduan sa pagitan Landbank – Lucena Branch para sa Payroll System ng Job Order Employees via Cash Card, kasunduan sa pagitan ng Red Cross para naman sa usapin ng libreng pagkuha ng dugo ng mga PagbilaoWINS at ang kasunduan ng opisyal na paglilipat ng pag-aari ng Starbooks Unit sa mga Barangay ng Silangang Malicboy, Ilayang Polo, Bantigue at Parang.

Dumalo rin ang Punong bayan sa isinagawang pagtuturo ng Basic Self-Defense/police Intervention (ARNIS) at Handcuffing Technique sa mga Barangay Tanod kung saan ipinamalas niya ang kanyang buong suporta sa mga ito.

#PagbilaoWINS #AlagangMayorAteGigiPortes

Tingnan ang iba pang larawan: https://bit.ly/3iZJbaH