The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

LGBTQ+ Resbakuna

June 30, 2021

News

#ShareWithPride "Sama-sama po nating ipagmalaki na ang pagiging bahagi ng LGBTQ+ Community ay hindi lang sa lakas ng tawanan, hindi lang sa galing magmake-up, sa galing sa talent, paggawa ng damit, pero isang KOMUNIDAD na MAY PAKIALAM sa nangyayari sa kanyang paligid."

-Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic

during the Pride Month Celebration

June 30, 2021

Isinagawa rin ang ResbakUNA Orientation para sa LGBTQ+ Members kasama si Ate Gigi Portes na tumayo bilang Resource Speaker na nagpaliwanag ng Ligtas-Gabay ukol sa COVID-19 kung saan pagkatapos ng kanyang pagtatalakay isang daang porsyento ng mga participants ang nagpahayag ng kanilang pagsang-ayon sa pagbabakuna ng COVID-19 Vaccine.

Dumalo rin sa aktibidad si Konsehal Dita Ayaton na siyang may akda ng isang ordinansang may titulong "Anti Discrimination Ordinance on the Basis of Sexual Orientation, Gender Identity and Expression (SOGIE) for the Protection of Lesbians, Gays, Bisexuals, Transgenders, Intersex and Queers (LGBTIQs) Rights in the Municipality of Pagbilao."

#PagbilaoWINS #SerbisyongPalicpic

Tingnan ang iba pang larawan: https://tinyurl.com/n9mw8kt7