The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

LGU Precautionary Measure Against COVID-19

March 15, 2020

News

Isa sa mga hakbangin ng Lokal na Pamahalaan ng Pagbilao sa pangunguna ni mayor Shierre Ann Portes-Palicpic at pakikipagtulungan ng Municipal Health Office, PNP-Pagbilao, BFP-Pagbilao at MDRRM-Pagbilao ay ang pagkakaroon ng checkpoint sa Brgy. Talipan upang maiwasan ang lumalaganap na pandemic COVID-19 simula kahapon, Marso 15, 2020. Ang gawaing ito ay upang matingnan ang temperatura at kalagayan ng kalusugan ng mga byahero na dumadaan sa bayan ng Pagbilao at masita ang mga sasakyan na hindi nagsasagawa ng social distancing. Hinihiling ang kooperasyon at pagsunod ng lahat ng mamamayan.