The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

LGU Precautionary Measure Against COVID-19

March 17, 2020

News

Patuloy ang isinasagawang checkpoint ng Lokal na Pamahalaan ng Pagbilao sa tulong ng Municipal Health Office, PNP-Pagbilao, MDRRM-Pagbilao at ng Barangay Health Emergency Response Team (BHERT) sa pangunguna ni Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic ngayong araw, Marso 17, 2020 sa Brgy. Talipan at Brgy. Ikirin ng Pagbilao. Layunin ng nasabing gawain na tingnan ang kalagayan ng kalusugan ng lahat ng mga biyaherong dumadaan sa ating bayan upang matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng lahat ng mamamayan upang mapigil ang paglaganap ng CoronaVirus Disease 2019 (COVID-19). Pinapayuhan rin ang lahat ng PagbilaoWINS na manatili sa loob ng mga bahay at limitado lamang sa pagbili ng pagkain, gamot o iba pang pangunahing pangangailangan. Hinihiling ang kooperasyon at pagsunod ng lahat ng mamamayan.