LIBRENG ULTRASOUND, MEDICAL AT LABORATORY TESTS INIHANDOG NG ALONA PARTYLIST AT Q1K SA PAGBILAO

Inihandog ng Alliance of Organizations, Networks and Associations (ALONA) Party List sa pangunguna ni Congresswoman Anna Villaraza-Suarez at ng Quezon’s First 1,000 Days (Q1K) ang libreng ultrasound, medical at laboratory test para sa mga nagdadalang-tao ng Pagbilao, Quezon, ika-28 ng Hunyo 2018.

Isinagawa ang naturang aktibidad sa Municipal Covered Court ng naturang bayan na kung saan personal na sinalubong ni Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic si Cong. Anna Suarez at ang kaniyang team sa Pagbilao. Tinatayang aabot sa 143 buntis na Pagbilaoin ang nakiisa sa programang ito.

Nakiisa rin sa nasabing programa sina Bokal Raquel Mendoza at Gerry Talaga gayundin sina Executive Assistants Matt Erwin Florido at Tina Talavera ng Governor’s Office.

Sa naging pananalita ng Punong Bayan kaniyang ibinahagi na sa nakahandang tumulong ang lokal na pamahalaan gayundin ang pamahalaang panlalawigan sa pagtataguyod ng malusog, masigla at magandang pagbubuntis ng bawat inang Pagbilaoin.

Samantala, ibinahagi naman ni ALONA Party List Representative, Anna Suarez na ang kaniyang tanggapan ay nagbibigay ng mga tinatawag na health coupons na maaaring magamit na pambayad ng hospital bill, gamot at pampacheck-up sa mga indibidwal na may kakulangan sa pinansiyal na aspeto.

Bukod sa mga health services na handog ng naturang grupo ay nagkaloob din ang Provincial Government sa pangunguna ni Governor David ‘Jayjay’ Suarez ng bigas sa mga buntis na nakiisa sa nasabing aktibidad.

Dagdag pa dito ay namigay din ng mga kagamitang pang-agrikultura at halaman sa mga magsasaka at maghahalaman mula sa Ibaba at Ilayang Polo na kung saan ay lubos na makatutulong ito upang mas maparami ang kanilang ani at makatulong sa kanilang kabuhayan.  #PagbilaoWINS #SerbisyongPalicpic

Contact Us

Pagbilao Municipal Hall
Rizal St., Brgy. Sta. Catalina,
Pagbilao, Quezon

Telephone No.: (042) 797-0937
Email: quick@pagbilao.gov.ph [click here]

Philippine National Police
Tel. No.: (042) 797-2854
Bureau of Fire Protection
Tel No.: (042) 797-0932
Health Office
Tel No.: (042) 797-3092

Department:

Enter the word below

captcha

LATEST NEWS

PAGBILAO’S NEWLY ELECTED BARANGAY OFFICIALS TAKE OATH

Tuesday, July 3, 2018 @ 2:06

The Local Government of Pagbilao through the leadership of Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic, in coordination with the DILG in the…

Read More

LIBRENG ULTRASOUND, MEDICAL AT LABORATORY TESTS INIHANDOG NG ALONA PARTYLIST AT Q1K SA PAGBILAO

Friday, June 29, 2018 @ 2:05

Inihandog ng Alliance of Organizations, Networks and Associations (ALONA) Party List sa pangunguna ni Congresswoman Anna Villaraza-Suarez at ng Quezon’s…

Read More

SHARE THIS
Copyright © 2014-2018 Municipality of Pagbilao, Quezon, Philippines. All Rights Reserved.