
Kahapon, ipinagpatuloy ng masipag nating Punong Bayan Ate Gigi Portes ang paglilingkod sa bayan.
Nakipagpulong kay Mayor Ate Gigi sina Rolly Merene, Angela Garana at Celestino Catalla ukol sa muling posibilidad na trabaho para sa mga Pagbilawin sa bansang Korea.
Pagkaraan, tinanggap ni Ate Gigi sa kanyang tanggapan si Nanay Crispina Ayanco, isang senior citizen at personal na binigyan ng Punong Bayan ng isang regalo para sa kanyang kaarawan.
Pagkaraan, dumalo sa Edible Landscaping Orientation ang butihing Mayor na ginanap sa simbahan ng St Catherine of Alenxandria. Isinagawa sa orientation ang mga plano ukol sa tamang pagtatanima at backyard gardening. Kasama ang aktibidad na ito sa malawakang programa ng alkalde para sa Food Security. Pinangunahan ng MSK ang nasabing pulong.
Pagkatapos, dumalaw sa Pagbilao District Jail si Ate Gigi upang magpadama ng pagpapahalaga sa mga preso. Namahagi siya ng mga munting regalo alinsunod sa Diwa ng Kapaskuhan.
Bago matapos ang araw, dinaluhan ni Ate Gigi ang Paskuhan/Pulong ng Samahan ng mga Maggugulay ng Pagbilao sa Bgy. Binahaan. Sa nasabing aktibidad, inalam ng punong bayan ang kasalukuyang kondisyon ng paggugulay, dami ng tanim at ani ng mga magsasaka. Muli niyang hinikayat ang patuloy na pagpapalago ng produsyon ng gulay sa ating bayan.
#PagbilaoWINS #AlagangMayorAteGigiPortes
Tingnan ang iba pang larawan: https://bit.ly/3BRu8X2