The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

Little Mayor

August 16, 2022

News

DREAMS COME TRUE

Tinupad ng ating masipag na Punong bayan, Mayor Ate Gigi Portes ang pangarap ng isang batang nagnanais na magsilbi sa kanyang mga kababayang Pagbilaowins!

Sa buong araw ng Lunes ay nagsilbi bilang Little Mayor ng Pagbilao si KATHRINE JONELL O. AZORES kahapon, August 15, 2022. Ginampanan niya ang tungkulin sa loob ng isang araw ng isang alkalde ng bayan. Nakipag-usap siya sa ibat ibang sektor at bumisita sa mga lugar na nakatakdang bisitahin kahapon ni Ate Gigi.

"Masayang masaya po ako dahil sa pagkakapili sa akin bilang unang Little Mayor of Pagbilao. Mahirap po pala ang trabaho ng isang Mayor pero masaya dahil alam mong nagsisilbi ka sa mamamayan," saad ng matalinong Pagbilaowin.

Inilunsad kahapon ni Ate Gigi Portes ang programang Little/Senior Mayor of the Day of Pagbilao bilang pagtupad sa mga hangarin ng pagsisilbi sa publiko kabataan man o katandaan.

#PagbilaoWINS #AlagangMayorAteGigiPortes

Tingnan ang iba pang larawan: https://bit.ly/3KmTgbi