The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

Livelihood Assistance Grant

July 21, 2021

News

July 21, 2021 | Isinagawa ngayong araw ang pamamahagi ng 10,000 Pesos - Livelihood Assistance Grants (LAG) para sa ilang PagbilaoWINS na ginanap sa Pagbilao National High School, Brgy. Mapagong, Pagbilao, Quezon.

Sa mensahe ni Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic, ang LAG ay isa sa mga recovery and rehabilitation programs ng pamahalaan na may pangunahing layunin na magsilbing tugon para sa mga pamilyang kabilang sa low-income o informal sector na nawalan ng pagkakakitaan o kabuhayan dulot ng community quarantine.

Kung kaya ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay naatasan na patuloy na magpatupad ng mga programa at serbisyo na makatutulong sa mga lubos na nangangailangan ngayong panahon ng pandemya.

Isa na nga sa mga ito ay ang Livelihood Assistance Grants o LAG na nakapaloob sa Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2.

Kayang Kaya Basta't Sama-sama!

#PagbilaoWINS #SerbisyongPalicpic

Tingnan ang iba pang larawan: https://tinyurl.com/yhre9rss