The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

Local Public Transport Route Plan Meeting

March 09, 2021

News

PagbilaoWINS Public Transport Route Plan at PUV Modernization, pinagpulungan

MARCH 9, 2021 | Nitong hapon ng Martes, tinalakay ang Formulation of Public Transport Route Plan (LPTRP) ng Pagbilao na pinangunahan ni Municipal Administrator Engr. Ian T. Palicpic, Vice-Chairperson LPTRP; katuwang si MPDC Jan Luke Patrick Go na ginanap sa Administrator's Office Conference Room.

Aktibong dinaluhan ang LPTRP Meeting nina Councilor Manny Luna, MDRRMO Delfin Magana, MLGOO Noemi Pelaez, PB Jorge Glorioso, Sir Arnold Baldeo, PSSG. Manuel Veluz, G. Ernesto R. Luce Jr. at kasama mula sa PTSC, kinatawan ng LTFRB, Engr. Ryam Tolentino at Sir Jan Indal na pawang mga miyembro ng naturang komitiba at ng Technical Working Group.

Inisyal nilang tiningnan ang Strengths-Weaknesses-Opportunities-Threats o SWOT Analysis upang i-assess ang kasalukuyang kalagayan ng Pagbilao at makapagplano ng bago at ukmang stratehiya. Dagdag pa dito, inilahad ni Sir Patrick Go ang Traffic Survey at Passenger Survey na kanila ring basehan ng pagpaplano.

Kaugnay nito, nabuo ang konseptong magkaroon ng Centralized Terminal at ang rekomendasyon na Bukal-Bigo Route bilang dagdag sa mga kasalukuyang ruta.

Naging bahagi rin ng talakayan ang PUV Modernization o planong pag-uupgrade ng pampublikong mga sasakyan para sa mas organisadong sistema ng transportasyon sa ating bayan.

Inaasahan na magkakaroon ng kasunod na pagpupulong ang Pagbilao Public Transport Route Plan sa mga susunod na araw.

Kayang Kaya Basta't Sama-sama!

 

#PagbilaoWINS #SerbisyongPalicpic

Narito ang iba pang larawan: https://cutt.ly/kzWkxs3