LOKAL NA PAMAHALAAN NG PAGBILAO, NAKIISA SA PAGDIRIWANG NG IKA-120 TAONG ANIBERSARYO NG ARAW NG KALAYAAN

Malugod na nakiisa ang lokal na pamahalaan ng Pagbilao sa selebrasyon ng ika-120 taong anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas, Hunyo 12, 2018.
Isang daan at dalawampung taon na ang nakalilipas mula nang ang bansang Pilipinas ay makalaya mula sa malulupit na mga kamay ng mga banyaga. Mula sa pagkalupig ay natuto ang mga Pilipino na tumayo, magsikap upang paunlarin ang sarili at ang bansa, at mangarap ng magandang kinabukasan.
Bilang pakikiisa sa mahalagang pambansang selebrasyon, nagdaos ng programa ang Lokal na Pamahalaan ng Pagbilao, umaga ng Hunyo 12 sa Liwasang Bayan ng naturang lugar.
Sinimulan ang programa sa panalangin na pinangunahan ng ilang mga piling estudyante ng SPED; pagpupugay sa Watawat ng Pilipinas na pinamunuan ni Gng. Blande Tullao mula sa Silangang Malicboy National High School, at pag-awit ng Lupang Hinirang, na sinundan ng panunumpa ng katapatan sa watawat ng Pilipinas sa pangunguna ng mga mag-aaral mula sa Bukal Elementary School at ang pag-awit ng himno ng Pagbilao na Papag at Bilao sa pamumuno ng Sining Atikha, ang koro ng pamahalaang lokal.
Ipinakilala ni Punong Bayan Shierre Ann Portes-Palicpic ang panauhing tagapagsalita sa katauhan ni Rdo. P. Andrew S. Hernandez. Si Hernandez ay ang ikalawang pangulo ng Quezon Provincial Tourism Council na mayroong malaking naiaambag sa patuloy na pagpapahalaga sa kalayaan bilang pagpapalakas ng turismo at pambayang kamalayan.
Bahagi rin ng programa, na taunang isinasagawa ng pamahalaang lokal, ang pagpaparangal at paghahandog ng munting ala-ala sa mga beterano sa pangunguna ni Punong Bayan Palicpic.
Ang mga dumalo ay nag-alay rin ng bulaklak sa dambana ng mga bayaning sina Gat Jose Rizal at Pangulong Manuel Luis Quezon.
Bukod sa mga kawani at opisyales ng pamahalaang lokal, ay nakiisa rin sa programa ang mga guro, kapulisan, mga barangay kapitan at ang mga bagong halal na miyembro ng sangguniang kabataan.
Si G. Neil Anthony Orig ang naging punong tagapagpadaloy ng programa.
Samantala, alinsabay sa naturang selebrasyon ay ang Groundbreaking Ceremony ng Pagbilao Police Action Center sa bahagi ng Rizal St. ng Brgy. Sta. Catalina na sa tulong ng Pagbilao Chamber of Commerce na pinamumunuan ni Anton Tan ay maitatayo sa lalong madaling panahon.
Nagsilbi naman bilang panauhing pandangal si Acting Provincial Director ng Quezon Police Provincial Office (QPPO) Police Senior Superintendent Osmundo De Guzman sa naturang aktibidad na kung saan kaniyang biigyang-diin na Malaki ang maitutulong ng naturang pasilidad upang mapaigting ang seguridad at kaligtasan ng bawat mamamayang Pagbilaoin.
Matagumpay rin na isinagawa ang Blood Letting Activity sa pangunguna ng Men Opposed to Violence against Women and Children Everywhere (MOVE) na pinamumunuan ni Municipal Administrator Engr. Ian Palicpic na idinaos sa Sentrong Pangkabuhayan Auditorium.
Tunay na naging makabuluhan ang selebrasyon ng ika-120 taong anibersaryo ng araw ng kalayaan sa bayan ng Pagbilao dahil sa mga aktibidad na matagumpay na idinaos alinsabay dito.

#PagbilaoWINS #SerbisyongClickatQuick

 

Contact Us

Pagbilao Municipal Hall
Rizal St., Brgy. Sta. Catalina,
Pagbilao, Quezon

Telephone No.: (042) 797-0937
Email: quick@pagbilao.gov.ph [click here]

Philippine National Police
Tel. No.: (042) 797-2854
Bureau of Fire Protection
Tel No.: (042) 797-0932
Health Office
Tel No.: (042) 797-3092

Department:

Enter the word below

captcha

LATEST NEWS

Ika-288 Araw ng Pagbilao at Ika-333 Araw ng Parokya ipinagdiwang ng mga PagbilaWINS

Tuesday, September 4, 2018 @ 3:29

Nagkaisa ang Lokal na Pamahalaan ng Pagbilao na pinangungunahan ni Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic, at ang Parokya ni Santa Catalina…

Read More

LGU recognizes 10 Outstanding Business Taxpayers of 2018

Tuesday, September 4, 2018 @ 2:19

Ten (10) businessmen and ten (10) corporations in Pagbilao were recognized by the municipal government as Outstanding Business Taxpayers for…

Read More

SHARE THIS
Copyright © 2014-2018 Municipality of Pagbilao, Quezon, Philippines. All Rights Reserved.