The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

Manic Monday

July 26, 2022

News

Manic Monday

Kahapon, matapos dumalo sa Flag Ceremony at Pag-uulat sa bayan ng kanyang mga nagawa noong nakaraang linggo, ipinagpatuloy kahapon ng ating butihing Punong bayan, Mayor Ate Gigi Portes ang kanyang serbisyo publiko sa Pagbilaowins.

Nagbigay-pugay kay Mayor Ate Gigi ang Pastors Group sa pangunguna ni Pastor Bernard Merle. Nilalayon ng pagbisitang iyon ang pagsasagawa ng spiritual and enlightenment seminar para sa mga kawani ng munisipyo sa pakikipagtulungan ng Human Resource Management Office.

Pagkaraan ay hinarap ni Ate Gigi ang Chairman ng ECO Talipan Savings and Credit Cooperative at pinag-usapan nila ang mga bagay na may kaugnayan sa opisina kabilang na ang pagkakaloob ni Ate Gigi ng mga  takdang kasuutan sa mga empleyado.

Ipinag-utos din ng alkalde na itaas ang antas ng desiminasyon ng mga impormasyon ukol sa dengeue. Iniatas niya na tiyaking ligtas ang lahat ng barangay at mga eskuwelahan sa sakit na ito.

Dumalo din si Ate Gigi sa PKB Meat Vendors na gjnanap sa Pambayang Liga ng mga Barangay. Tinalakay doon ang pag-iingat sa African Swine Fever at kung ano ang mga solusyon para maiwasan ang problemang ito sa karne.

Tinapos ni Ate Gigi ang Lunes sa pakikipagpulong sa Admin and Tourism Council Members. Doon ay tinalakay ang panukala ng MPDC sa Local Development Investment Program Plan and Budget.

Ayon sa butihing alkalde "hindi tayo dapat nagpapahinga lalo kung araw ng Lunes dahil ang araw na ito ang umpisa ng lahat ng gawaing hindi natapos, tatapusin, at paplanuhin para sa lalong ikagaganda ng ating bayan. Saka na muna ang pahinga."

#PagbilaoWINS #AlagangMayorAteGigiPortes

Tingnan ang iba pang larawan: https://bit.ly/3bfCVIc