
Matapos pangunahan kahapon, Setyembre 12, 2022 ang pagtataas ng Watawat ng Pilipinas, muling hinarap ng masipag nating Punong Bayan, Mayor Ate Gigi Portes ang kanyang mga tungkulin.
Hinarap niya sa kanyang tanggapan si Kristina Malabunga at tinanggap ang mga aplikasyon ng pagtatrabaho ng mga taga-Barangay Añato. Tinanggap din niya ang pagbisita ni Chona Olarte at kabiyak.
Nakipagpulong din si Ate Gigi kay BB..Manilyn Vista, ang Secretary ng Sta Catalina Cable at pinag-usapan ang posibilid ng pag-eere ng mga aktibidades ng munisipyo.
Isang pulong din sa pagitan nila ni Dentist III/MNAO Dr. Mariam Merluza ang isinagawa at pinag-usapan ang nakatakdang Evaluation of Nutrition Program na gaganapin sa Oktubre 7.
Pagkaraan, nakipagpulong si Mayor Ate Gigi kasama sina Engr. Ryam Tolentino at Jan Luke Patrick Go sa Lythaus Lighting Supply na nagtanghal ng kanilang mga produkto para sa pagpapailaw sa mga kalsada sa Pagbilao.
#PagbilaoWINS #AlagangMayorAteGigiPortes
Tingnan ang iba pang larawan: https://bit.ly/3SasRR2