The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

Mayor's Duty

September 20, 2022

News

Sinimulan kahapon ng masipag nating Punong Bayan ang kanyang tungkulin sa pakikipagpulong kina Mrs. Julieta Tadiosa at Mrs. Ana na mga kinatawan ng DTI.

Pinag-usapan ng dalawang panig ang pagpapakilala ng mga Produkto ng Pagbilao sa iba't ibang merkado. Hiniling ni Mayor Ate Gigi sa DTI na magkaroon sila ng kinatawan tuwing magkakaroon ng pulong ang KALIPI, RIC at iba pang grupong pangkabuhayan ng Pagbilao.

Kasunod ng nasabing pulong ay ang pagdalo ni Ate Gigi sa pulong ng mga taga NHA at Alpha Land para sa paunang presentasyon ng Pagbilao Residences sa Bgy Pinagbayanan. Hiningi ni Ate Gigi ang listahan ng mga beneficiaries at kopya ng mga kailangang dokumento.

Dumalo rin si Ate Gigi kasama ang MAO officer na si Ms. Leonora Melendrez, Robelo Rustia, Ms. Lavenia Pakingan sa SM Lucena sa paanyaya na rin ng DTI para sa eksibit ng "Kalakal Quezon featuring BAMBOO industriyang Kawayan para sa Paglago ng Ekonomiya at Kalikasan."

Tinapos ni Mayor Ate Gigi ang araw sa pagdalo sa Ribbon Cutting ng Training and Assessment Center ng TESDA.

#PagbilaoWINS #AlagangMayorAteGigiPortes

Tingnan ang iba pang larawan: https://bit.ly/3SrkbFE