MAYOR SHIERRE ANN PORTES-PALICPIC, PINASALAMATAN NG ILANG MGA ISKOLAR NG BAYAN NG PAGBILAO

Taos-pusong pinasalamatan ng ilang mga iskolar ng bayan ng Pagbilao na sina Gulliver Pastrana, Jennifer Rejuso, Mary Grace Jaynar, Angelica Villanueva at Charrylyn Alano si Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic sa kaniyang tanggapan kamakailan.

Personal na tumungo sa tanggapan ng Punong Bayan ang mga nasabing iskolar upang iabot ang kanilang simpleng regalong cake bilang pasasalamat kay Mayor Palicpic sa pagpapatupad ng programang pang-edukasyon na ang layunin ay bigyang ayuda ang mga Pagbilaoin na nagnanais makapagtapos ng pag-aaral ngunit walang sapat na kakayahang pinansiyal upang tustusan ito. Si Mary Grace Jaynar, na isa sa mga iskolar ay pamilyadong tao na ngunit hindi ito naging hadlang upang makapagtapos siya ng pag-aaral bagkus ito ang kaniyang ginawang inspirasyon upang ipagpatuloy at bigyang katuparan ang kaniyang pangarap na makapagtapos.

Ang mga nasabing iskolar ay apat na taong bahagi ng Municipal Education Assistance Program (MEAP) ng Lokal na Pamahalaan at nagtapos mula sa Southern Luzon State University (SLSU) Lucena Campus sa kursong Bachelor of Science in Information Technology noong June 15, 2018.

Sa ilalim ng naturang programa ay tumatanggap ang mga iskolar sa kolehiyo ng P5,000 bawat semester at P 10,000 kada taon habang ang mga nasa senior at junior high school ay P2,500 at P 4,000 at sa kasalukuyan ay mayroon ng 608 estudyante sa high school, 365 junior at 281 senior high school at 312 college students ang nakikinabang dito. Samantala, patuloy na hinihikayat ni Mayor Shierre Ann Palicpic, ang bawat Pagbilaoin na nagnanais makatapos ng pag-aaral ngunit walang sapat na pananalapi na magtungo lamang sa tanggapan ng Punong Bayan at hanapin ang MEAP coordinators na sina Sir Elmer at Ma’am Ellen upang sila ay mabigyan ng mahahalagang impormasyon ukol sa naturang programa. #PagbilaoWINS #SerbisyongPalicpic

Contact Us

Pagbilao Municipal Hall
Rizal St., Brgy. Sta. Catalina,
Pagbilao, Quezon

Telephone No.: (042) 797-0937
Email: quick@pagbilao.gov.ph [click here]

Philippine National Police
Tel. No.: (042) 797-2854
Bureau of Fire Protection
Tel No.: (042) 797-0932
Health Office
Tel No.: (042) 797-3092

Department:

Enter the word below

captcha

LATEST NEWS

Ika-288 Araw ng Pagbilao at Ika-333 Araw ng Parokya ipinagdiwang ng mga PagbilaWINS

Tuesday, September 4, 2018 @ 3:29

Nagkaisa ang Lokal na Pamahalaan ng Pagbilao na pinangungunahan ni Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic, at ang Parokya ni Santa Catalina…

Read More

LGU recognizes 10 Outstanding Business Taxpayers of 2018

Tuesday, September 4, 2018 @ 2:19

Ten (10) businessmen and ten (10) corporations in Pagbilao were recognized by the municipal government as Outstanding Business Taxpayers for…

Read More

SHARE THIS
Copyright © 2014-2018 Municipality of Pagbilao, Quezon, Philippines. All Rights Reserved.