The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

MDC Meeting

July 17, 2020

News

Pagbilao,Quezon - Hulyo 16, 2020, isinagawa ang 2nd Municipal Development Council (MDC) Meeting sa pamumuno ng ating Ina ng Bayan, Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic upang talakayin, aprubahan at pagtibayin ang mga Supplemental AIPs (Annual Investment Plan) o mga karagdagang plano ng Pamahalaang Lokal ng Bayan ng Pagbilao.

Personal na dumalo sa nasabing pagpupulong sina Municipal Administrator Engr. Ian T. Palicpic, Municipal Planning & Development Coordinator EnP Jan Luke Patrick Go, Municipal Budget Maristel G. Merjudio, Municipal Engineer Ryam J. Tolentino, MLGOO Noemi M. Pelaez, Ms. Jane Luce, MRRMO Delfin Magana, mga Punong Barangays, G. Juanito P. Memorando, at mga kinatawan ng mga asosasyon at samahan kabilang ang ALA-TODA, Bantigue Tricycle Operators and Drivers Association, FTODP, KBMPC, Nagkakaisang Magsasaka ng Bantigue Irrigators Association, Inc, PATEMCO at Oyster Growers Association.

Sa kabilang banda, nagpulong din ang Pagbilao Inter-Agency Task Force kung saan pinag-usapan naman ang status ng CoViD-19 sa ating bayan at maging sa lalawigan ng Quezon sa pangunguna ni Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic at iba pang usapin tulad ng pagbubukas ng paaralan at muling pagbabalik ng operasyon ng larong legal na Small Town Lottery (STL). Nabigyan ng pagkakataon si PMAJ Reden Romasanta, OIC-MPS na talakayin ang usapin na may kinalaman sa angkas sa motorsiklo at ang mga checkpoints ng ating bayan.

Ayon naman kay Ma'am Noemi M. Pelaez, nananatiling nasa Modified General Community Quarantine (MGCQ) ang lalawigan ng Quezon kung saan nabibilang ang bayan ng Pagbilao simula Hulyo 16 hanggang 31 ng taong kasalukuyan base sa anunsyo ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

#PagbilaoWINS #SerbisyongPalicpic

For more photos Click Here