The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

Medical Triage sa Pagbilao Municipal Covered Court, Nakahanda na

March 20, 2020

News

Isinaayos na ng LGU-Pagbilao CoViD-19 Task Force ang mga tent, mobile health clinic at iba pang mga kagamitan sa itinalagang lokasyon na maaaring pagdalhan at magsilbing isolation area ng mga pasyenteng "pinaghihinalaang positibo sa CoViD-19". Kung sakali na kakailanganing ilipat ng ospital, dito sa triage maaaring sunduin ng mga authorized health workers ang pasyente para sa iba pang karampatang pagsusuri.