
Nagpatawag ng isang pagpupulong si Mayor Shierre
Ann Portes-Palicpic upang bigyang daan ang kahilingan ni Kapitan Nicanor Porta
ng Brgy. Binahaan na pag-usapan ang ilang isyu at concern sa kanilang barangay
na ginanap noong Marso 3, 2020 sa Multi-Purpose Hall, Brgy. Binahaan. Magiliw
na tinanggap ni Kap. Porta sampu ng Sangguniang Barangay ng Binahaan sa
kanialng barangay sina Mayor Palicpic, Municipal Administrator Engr. Ian T.
Palicpic, Municipal Agriculturist Ms Leonora D. Melendrez, PMaj Reden L. Romasanta,
OIC-PMS, Ms. Rosalie Recaro & Ms Jocelyn Catalla -Agricultural
Technologists at lahat ng mga kawani mula sa Lokal na Pamahalaan ng Pagbilao.
Unang binigyang pansin ay ang isinasagawang shell harvesting activity ng mga
dayo sa yamang-dagat na nasasakupan ng bayan ng Pagbilao at sa naging daloy ng
pagpupulong malinaw ang hangad ng butihing Mayor Palicpic na maisakatuparan ang
kanyang tungkulin na mapangalagaan ang yamang-tubig ng bayan para sa mga
mamamayan ng Pagbilao na kung saan ang mga PagbilaoWINS ang dapat makinabang at
may kapangyarihan alinsunod na rin sa ordinansang pinapairal sa bayan ng
Pagbilao. Dagdag pa rito, hinikayat niya na magparehistro ang lahat ng
mangingisdang PagbilaoWINS. Sa ikalawang banda, pinulong din ni Mayor Palicpic
ang mga tricycle driver ng naturang barangay kaugnay ng ipinapatupad na road
clearing operation o pagtatanggal ng mga sagabal o mga nakahambalang sa road
right of way na mandato ni Pangulong Rodrigo Duterte.