Mga Natatanging Anak ng Pagbilao 2018 pinangalanan na

Tatlong Pagbilaoin ang namayagpag sa iba’t-ibang larangan at nagbigay karangalan sa bayan ng Pagbilao kung kaya’t nararapat lamang na kilalanin at bigyan ng pagpapahalaga sa pamamagitan ng pagbibigay ng titulo bilang mga “Natatanging Anak ng Pagbilao 2018”.

Ngayong taon, ay tatlong #PagbilaoWINS ang pinarangalan sa katauhan nina Jermyn Pardillo Prado, Regino Obdianela Cabrera, at Ayrin Marsanto Llorin.

JERMYN PARDILLO PRADO

Category: SPORTS

Nominated by (BLANK)

Ang 25 taong-gulang mula sa Barangay Bukal ay namayagpag sa iba’t-ibang kompetisyon sa larangan ng pagbibisekleta hindi lamang sa ating bansa kundi maging sa iba pang panig ng mundo. Namayagpag si Prado sa isinagawang 2018 Philippine National Cycling Championships na may kabuoang 96.55 kilometrong distansya ang kaniyang nilakbay. Ito ang nagbigay-daan upang makalaban siya sa 2018 Prudential Ride London na matagumpay na idinaos kamakailan lamang.

 

REGINO OBDIANELA CABRERA

Category: POSTHUMOUS

Nominated by Gino Cabrera, Psychometrician from Southern Luzon State University

Si Regino Obdianela Cabrera ay isang beterano noong panahon ng World War II na kung saan siya ay namuno ng Anderson Guerilla bilang Kapitan. Tunay na lubos ang pagmamahal ni Cabrera sa bayan kung kaya ay nagpursige siya ng karera sa larangan ng paglilingkod sa mga mamamayan. Kilala siya bilang isang mahigpit na tagapagpatupad ng batas sa bayan ng Pagbilao kung saan nagsilbi ng labing-siyam (19) na taon mula 1960 hanggang 1979 bilang Hepe ng Kapulisan ng nasabing bayan.

 

AYRIN MARSANTO LLORIN

Category: AGRIKULTURA

Nominated by Leonora Melendrez, Municipal Agriculturist

Hindi lubos akalain ni Ayrin Marsanto Llorin, na matatagpuan niya sa bayan ng Pagbilao ang kaniyang pagkahilig sa mga gawaing agrilutural. Noong taong 2013 ay sinimulan niya ang organikong pagsasaka na kung saan tumutulong ito sa ating kalikasan at kapaligiran sa pamamagitan ng tamang pag-aalaga ng lupa at kinalaunan ay nagtayo siya ng kaniyang farm restaurant. At dahil sa ganitong pamamaraan ay kinilala bilang Learning Site for Organic Agriculture ang kaniyang negosyo. Ginawaran rin bilang Regional Outstanding Woman noong 2016 at nanalo sa isinagawang Gawad Saka bilang Outstanding Organic Farmer sa buong Region IV-A.

 

Samantala, noong nakaraang taon ay apat na Pagbilaoin ang siyang kinilala at binigyang parangal sa katauhan nina Tyronne Exequiel Ponciano Flores sa larangan ng sports, Chris John Jaloren Cañarez sa aspetong akademya at leadership, Limuel Hayag Vilela sa larangan ng sining at Virgilio “Direk Gil” Merluza Portes bilang posthumous awardee.

Contact Us

Pagbilao Municipal Hall
Rizal St., Brgy. Sta. Catalina,
Pagbilao, Quezon

Telephone No.: (042) 797-0937
Email: quick@pagbilao.gov.ph [click here]

Philippine National Police
Tel. No.: (042) 797-2854
Bureau of Fire Protection
Tel No.: (042) 797-0932
Health Office
Tel No.: (042) 797-3092

Department:

Enter the word below

captcha

LATEST NEWS

Ika-288 Araw ng Pagbilao at Ika-333 Araw ng Parokya ipinagdiwang ng mga PagbilaWINS

Tuesday, September 4, 2018 @ 3:29

Nagkaisa ang Lokal na Pamahalaan ng Pagbilao na pinangungunahan ni Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic, at ang Parokya ni Santa Catalina…

Read More

LGU recognizes 10 Outstanding Business Taxpayers of 2018

Tuesday, September 4, 2018 @ 2:19

Ten (10) businessmen and ten (10) corporations in Pagbilao were recognized by the municipal government as Outstanding Business Taxpayers for…

Read More

SHARE THIS
Copyright © 2014-2018 Municipality of Pagbilao, Quezon, Philippines. All Rights Reserved.