The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

MGADFPS Award

December 28, 2020

News

"...at maraming pang taon ang dadaan, pero tayong lahat ay dapat na nag-iisip ng kaparaanan upang ang ating ginagawa ay hindi lang (para sa) basta Parangal kundi dapat ay kumikilala at nararamdaman ng bawat Babae, Lalaki at ng iba pang sektor ng lipunan, Thank You for making us truly PagbilaoWins!"

- Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic

December 28, 2020 | Ipinagkaloob ng Provincial Gender and Development Office ang isang pagkilala sa Bayan ng Pagbilao bilang 2019 OUTSTANDING MUNICIPAL GENDER AND DEVELOPMENT FOCAL POINT SYSTEM (MGADFPS).

Ang nasabing Parangal ay personal na iniabot ni Quezon Governor Danilo Suarez kay Mayor Shierre Ann Portes-Palipic sa programang ginanap sa St. Jude Multipurpose Cooperative Hotel and Hotel Center sa Lucena City.

Ang paghirang sa isang bayan bilang OUTSTANDING MGADFPS ay patunay sa natatanging husay at dedikasyon ng isang liderato at ng Local Government Unit pagdating sa mga programa, proyekto at gawaing may kinalaman sa Gender and Development.

 

#KayangKayaBastaSamaSama

#PagbilaoWins

#SerbisyongPalicpic

Para sa iba pang larawan: Tingnan