The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

National Childrens Month 2022

November 11, 2022

News

November 11, 2022 | Nakiisa ang Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ng ating masipag na Punong Bayan, Mayor Ate Gigi Portes katuwang si MSWDO Emerita Madla sa pagdiriwang ng National Childrens Month na may temang “Kalusugan Kasipagan, at Kapakanan ng Bawat Bata Ating Tutukan!”.

Kaugnay ng nasabing selebrasyon, nagkaroon ng Dance at Singing Contest sa Municipal Covered Court na nilahukan naman ng mga bata na mula sa mga Early Child Care Development Centers.

Dumalo rin si Mayor Ate Gigi sa Capability building para sa mga Junior Fire Marshal ng iba’t ibang mga paaralan sa ating bayan katuwang ang Municipal Fire Station – Pagbilao.

Dagdag pa rito, ipinaliwanag ng Punong Bayan sa mga kabataang lider ang kanyang mga programa para sa bayan na ginanap sa Baywalk, Barangay Daungan.

#PagbilaoWINS #AlagangMayorAteGigiPortes

Tingnan ang iba pang larawan: https://bit.ly/3VFc0rj