The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

National I.D System

June 15, 2021

News

Sinimulan na kahapon sa bayan ng Pagbilao ang Registration Process na itinatadhana ng RA 11055 o An Act Establishing the Philippine Identification System na naglalayong irehistro ang lahat ng mga Pilipino sa National ID System na una nang isinagawa ang house-to-house data collection sa unang batch ng mga target barangay kabilang dito ang mga sumusunod:

  •          Pinagbayanan
  •          Mayhay
  •          Mapagong
  •          Ikirin
  •          Binahaan
  •          Ilayang Polo
  •          Ibabang Palsabangon

Ang Registration Process ay ang pagtungo ng mga residente na sumailalim sa Step 1 Registration sa mga itinalagang Registration Centers.

Prayoridad na mairehistro ay ang mga PagbilaoWINS na nakatanggap ng Appointment Slip at Confirmation text mula sa PSA.

Tanging ang mga 15 taong gulang pataas lamang ang mauunang irehistro.

Kayang Kaya Basta't Sama-sama!

#PagbilaoWINS #SerbisyongPalicpic

Tingnan ang iba pang larawan: https://tinyurl.com/22a3f9h3