The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

NGCP Daycare GroundBreaking

March 04, 2021

News

Katuparan ng Pangarap na Day Care Center para sa Barangay Bukal

MARCH 4, 2021 | Nitong umaga ng Huwebes, pormal nang isinagawa ang Groundbreaking Ceremony sa itatayong DAY CARE CENTER na pinangunahan nina Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic; Municipal Administrator Engr. Ian T. Palicpic; Municipal Engineer Ryam J. Tolentino; PB Privado Carlos; Mr. Ricky Escame, Project Head, Corporate Initiative and Advocacy Department; at kanyang mga kasamahan mula sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na ginanap sa Brgy. Bukal, Pagbilao, Quezon.

Dumalo sa nasabing okasyon sina MSWDO Emerita Madla, Kgg. Aldrien Calabia, Kgg. Dita Ayaton, Kgg. Manny Luna, Sangguniang Barangay ng Bukal at gayundin ang Home Owners Association upang saksihan ang nasabing seremonya.

Sa mensahe ni Mayor Palicpic, sa magandang relasyon nagsisimula ang magandang padaloy at ang magandang kaisipan para makita ang mga posibleng programa. Aniya, "Sa bayan po ng Pagbilao mayroon po kaming mga programa na tinatawag naming PAKIKIISA sa ating mga stakeholders o mga negosyanteng nandirito sa bayan ng Pagbilao. Kayganda pong pagmasdan kung ang pamahalaan at ang pribadong sektor kasama rin po ang mga mamumuhunan ay nagkakaisa hindi lamang sa adhikaing mapalaki ang kita ng Lokal na Pamahalaan pero sa adhikaing mapaganda rin ang komunidad na kanilang bagong kinabibilangan."

Ipinaabot rin ng Punong Bayan ang lubos na pasasalamat sa lahat ng taong nagkaroon ng papel lalo't higit sa NGCP upang mapangyari ang matagal ng pinapangarap ng nasabing barangay sa pamumuno ni Kapitan Privado Carlos at ng kanyang Sanggunian.

“Ang malaking biyayang ito ay talaga pong pinagpaguran at pinagplanuhang mabuti ng mga nasa harapang mga tao sa pangunguna po syempre ng ating mga kasamahan mula sa NGCP.” sa pagtatapos na mensahe naman ni Municipal Administrator Engr. Ian T. Palicpic.

Isa lamang ito sa mga positibong tugon ng NGCP para sa mga programang pangkaunlaran ng bayan ng Pagbilao sa pamamagitan ng Corporate Social Responsibility (CSR) Project.

 

Kayang Kaya Basta't Sama-sama!

#PagbilaoWINS #SerbisyongPalicpic

Narito ang iba pang larawan: https://cutt.ly/xzwoJh0