
Nakiisa kahapon ang ating masipag na Punong Bayan Ate Gigi Portes sa pagbubukas ng Alfamart Pagbilao na matatagpuan sa Barangay Bukal. Ito ang kauna-unahan sa lalawigan ng Quezon na may 1,400 branches naman sa buong Pilipinas.
Binisita rin ni Mayor Ate Gigi ang mga miyembro ng R.I.C. na nagtitinda ng mga kakanin at produktong Pagbilaowins sa Municipal Park.
Nooong nakaraan araw, dumalo ang Punong Bayan sa General assembly ng Pagbilao CocoFarmers Federation kaugnay ng Araw ng Magniniyog na ginanap sa Sitio Iringan, Barangay Ibabang Palsabangon.
#PagbilaoWINS #AlagangMayorAteGigiPortes
Tingnan ang iba pang larawan: https://bit.ly/3G6Fc58