The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

Opening Badminton and Table Tennis

November 28, 2020

News

BADMINTON AND TABLE TENNIS TOURNAMENT 2020, SINIMULAN NA

Nobyembre 28, 2020 | Personal na dumalo ang kinatawan ni Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic sa katauhan ni Executive Assistant Carlo Magno Ayaton sa naturang aktibidad na ginanap sa Pagbilao Central School.

Nilahokan ng mga Manlalarong PagbilaoWINS mula sa ibat ibang barangay na nagpamalas ng kanilang angking galing at talento sa larangan ng palakasan kung saan nahati sa tatlong kategorga ang palarong Badminton at Table Tennis - Single Men, Single Women at Mixed Doubles.

Bilang pagsunod sa mandato ng IATF, isinagawa via FB Live Streaming ng Municipality of Pagbilao upang mapanood ng ating mga kababayan at maiwasan ang maraming tao.

Ang programang ito ay sa ilalim ng Municipal Fitness and Sports Development Council katuwang si Municipal Administrator Engr. Ian T. Palicpic na bahagi rin ng pagdiriwang ng Fiesta 2020.

#PagbilaoWINS #SerbisyongPalicpic #PistangPagbilaoWIN2020 #DisiplinaMuna

Para sa iba pang larawan: Tingnan