The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

Oplan Kaluluwa 2022

November 01, 2022

News

Kahapon, binisita ng ating masipag na Punong Bayan, Mayor Ate Gigi Portes ang mga itinalagang Oplan Kaluluwa Command Post para siguraduhin na magiging ligtas at payapa ang ating paggunita ng Undas 2022.

Sinimulan noong Oktubre 30, 2022 ang paglalagay ng naturang mga command post na binubuo ng PNP at BFP Pagbilao, MDRRMO Personnel, Barangay Tanod, Police Force Multipliers at volunteers.

Mayroong pitong (7) Oplan Kaluluwa Command Post kung saan tatlo rito ay matatagpuan sa Garden of Angels, Eternal Garden at sa may Pagbilao Catholic Cemetery. Samantala, ang apat sa mga ito ay inilagay sa kahabaan ng Maharlika High-way upang magabayan at matulungan ang mga motorista at byahero.

Kaugnay ng UNDAS 2022, dalangin ng butihing Punong Bayan ang taimtim at payapang pagdalaw sa ating mga mahal sa buhay na yumao.

#PagbilaoWINS #AlagangMayorAteGigiPortes

Tingnan ang iba pang larawan: https://bit.ly/3EX0v8X