The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

Orientation of Teachers Aide and Learning Delivery

February 05, 2021

News

FEBRUARY 5, 2021 | Orientation ng Teacher’s Aide, Learning Delivery Mobilizers at Ulitility Workers para sa mga Public Schools, pinangunahan ni Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic

Nitong hapon ng Biyernes, nagpatawag si Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic ng isang pagpupulong para sa mga Job Orders - LDMs, Teacher’s Aide at Utility Workers na ginanap sa Municipal Covered Court.

Ang mga bagong kawaning ito ang magiging katuwang at tutulong sa mga Pampublikong Paaralan at kaguruan upang itaguyod ang dekalidad na edukasyon sa bayan ng Pagbilao.

Ayon kay #DaBesKa Mayor Palicpic, ito ay napagkasunduan sa ilalim ng Local School Board Council na bigyang pansin ang ilan pang pangangailangan ng mga paaralan sa panahon ng pandemya kabilang ang pagtuturok ng Anti-Flu/Anti-Pneumonia sa mga guro bilang proteksyon nila at iba pa.

Kayang Kaya Basta't Sama-sama!

 

#PagbilaoWINS #SerbisyongPalicpic

Narito ang iba pang larawan: Tingnan