JANUARY 19, 2021 | Mayor
Shierre Ann Portes-Palicpic pinangunahan ang pagpupulong ng Pagbilao Anti-Road
and Sidewalk Obstruction Task Force hinggil Road Clearing Operation.
Nitong hapon ng Martes
ay muling ipinatawag ni Mayor Palicpic ang mga Tanggapang may kaugnayan sa
patuloy na implementasyon ng Road Clearing Operation. Kasama sa mga
mahahalagang tinalakay sa Virtual Meeting na tumagal ng halos 2 oras ay ang mga
sumusunod :
- Revisiting and Enforcement of
Municipal Traffic Management Code;
- Updating and Formulation of
Pagbilao Tricycle Route Plan;
- Continuous Prohibition of
Tricycles, Pedicabs and Motorized Pedicabs from Operating on National
Highways;
- Pagbilao Road Network
Inventory;
- Reiteration of the Removal of
Obstructions in all Roads, Streets and Sidewalks, atbp.
Aktibong nakiisa sa
diskusyon ay ang mga opisyal mula sa DILG, PNP, BFP, Sangguniang Bayan at Liga
ng mga Barangay. Matatandaang makailang ulit na naglabas ang DILG ng mga
Memorandum na tumatalakay sa mga nabanggit na usapin na ayon na rin sa
direktiba ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
#PagbilaoWINS #SerbisyongPalicpic #DisiplinaMuna